38

51 3 7
                                    

Anointing Ceremony

Kiara’s POV

“Take care of yourself, Kiara. I am looking forward in seeing you on the competition,” wika ni kuya Kauis habang hinalikan ang aking noo. 

Pinigilan ko ang mga luha kong namumuo sa aking mga mata. Ngayong araw ang pag-alis nila Kuya Kauis kasama si Uncle Nolan. Kasabay din ang pagtungo ni Avery Everdeen sa labas ng academy at hindi na muling babalik. Huminga ako ng malalim at humigpit ang yakap kay Kuya.

“I’ll miss you Kuya,” mahinang bulong ko sa kanya habang yakap pa rin siya.

The warmth of my brother's embrace brings me comfort that despite the challenges he would still be there. I am missing the comfort of my home and the warm hug of my parents. He was the one who comforted me in the midst of all that happened. 

“We will see each other again soon, baby sis.” tugon niya bago kumalas sa pagkakayakap. 

Bumaling ako kay Uncle Nolan na nakatingin din sa akin. Lumapit siya sa akin at niyakap rin ako ng mahigpit. 

“Keep safe, Kiara. I will try my best to find your father. Be strong and never lose the fire that you have.” wika ni Uncle Nolan bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanila. 

Sabay kaming lumabas mula sa main building patungo sa harapan ng academy kung saan naghihintay ang tatlong kotse. Naroon na ang mga myembro ng Alliance of Light kasama si Avery Everdeen. Kahapon umalis ang mga pamilya ng namatay na mga studyante. Napahinto ako ng matanaw ang pamilya ni Nyx na mukhang sasabay rin sa kanilang pag-alis. Lumapit ang kanyang ama at ang dalawa niyang kapatid sa pwesto namin. 

“Nolan Kylo Collins, it’s nice to see you old friend,” wika ng ama ni Nyx kay Uncle Nolan.

“Nice to see you again, Mr. Lucian,” tugon naman ni Uncle Nolan. Bumaling sa akin ang ama ni Nyx at ngumiti din sa akin. 

“I hope to see you around Kiara Collins. I am sure your dad is proud of you.” wika ng ama niya at naunang naglakad patungo sa isang itim na BMW na nasa harapan ng fountain.

“We should get going, Mr Collins. Sasabay po kayo sa amin,” wika ng nakakatandang kapatid na babae ni Nyx. 

My brother stiffened but I heard him curse which was unusual. I glanced at him and found his eyes staring at Nyx’s older sister. 

Magkakilala ba silang dalawa?

“Kiara, will get going.” huling paalam ni Uncle Nolan at naglakad patungo sa itim na kotse. 

Sumunod na rin si Kuya na hinalikan muna ang aking noo at bago siya sumabay kay Uncle Nolan kasama ng nakakatandang kapatid na lalaki ni Nyx. Natanaw ko rin si Avery na tumingin sa aking gawi bago siya tuluyang pumasok sa isang kotse.  Ramdam pa rin ang malungkot na atmosphera ng academy. Kahit pa ay mainit ang panahon ay hindi na mararamdaman ang muling kasiyahan at ingay na naririnig sa buong building. 

“Don’t blame yourself for what had happened,” bumaling ako at nagulat ako ng makita ang nakakatandang kapatid na babae ni Nyx. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako.

“Nyx and Zanara are no longer fiancees. He is all yours and please take care of him for me.” para akong na estatwa sa kanyang sinabi. Naramdaman ko rin na may nilagay siya sa bulsa ng aking sout na coat. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at kumindat bago sumakay sa kotse na iyon. 

I was left alone dumbfounded and confused about what his sister meant. Tears started to fall from the corner of my eyes as the gate opened and one by one the vehicles slowly went out of the academy grounds. My emotions were overflowing but I wiped my tears away as the gates were closed. 

Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon