07

253 41 6
                                    

Glimpse

I walked silently as the students whispered to each other. They were looking at me as if they wanted to kill me. I stopped in front of the bulletin board when I saw my name on top of the list of the new students who passed the first training yesterday. I looked at my palms slowly and a purple flame appeared in my hand. I slowly closed my palms because it was my first time seeing it. Suddenly, the large bell that was hanging outside, on top of the main building rang that echoed through the hall. The students started running towards the door and I was clueless.

Tumakbo ako papalabas hanggang sa makita ko silang nakatanaw sa malaking pader na nakapalibot sa eskwelahan. Kumunoot ang aking noo ng makita sa kanilang mga mata ang bakas ng takot. Sinundan ko kung saan sila nakatingin at nanlaki ang aking mata ng muling may groupo na lumabas mula sa malaking pintuan ng pader na iyun at hindi katulad kahapon ay pawang galing sila sa master's class na nakasakay sa kanilang mga kabayo. Balisa ang kanilang mga mukha at puno ng dugo ang kanilang mga uniporme.

What happened? Why are they all in those stained clothes?

Napadako ang aking paningin sa isang karwahe na nasa kanilang likuran at may bahid ng dugo. Isang babaeng nakauniporme na mukhang nagmula sa elite class ang tumakbo sa kanilang pwesto at lumapit sa isang lalaking nakasakay sa itim na kabayo. Nagbubulungan ang mga tao sa paligid habang tila nagmamakaawa ang babae.

"Nasaan si Kuya Steven? Please tell me that he is alive!" maluhang sigaw niya sa lalaking iyun. Sa palagay ko ay siya ang lider ng grupong iyon.

Nanatiling tahimik ang lalaki at sumenyas sa kanyang kasama. Lumapit ang isang babaeng may itim na mahabang buhok at inabot sa kanya ang isang telang may bahid ng dugo. Binuksan iyun ng babaeng may mahabang itim na buhok. Napaupo ang babae habang nakatulala sa telang iyun.

"I'm sorry, we tried to survive in the middle of the night. But it was too late, we have been ambushed. Your brother's body has been transported to the game database. That is the only item he had left," malungkot na sabi ng lalaki na nakasakay sa itim na kabayo bago iniwan ang babae sa gitna.

"Bakit hindi mo man lang siya iniligtas?" rinig kong sabi ng babae habang pilit na tumayo. Napatigil ang lalaking nakasakay sa itim na kabayo.

"Bakit hindi mo man lang nagawang pigilan na mangyari ito? Akala ko ba nangako ka? Sinabi mo na kaya mong sagipin lahat ng mga kasama mo? Bakit Hindi mo siya iniligtas? Bakit?" nanggagalaiti ang sabi ng babae sa lalaking nakasakay sa itim na kabayo.

Nagulat kami ng may mga punyal na gawa sa bato ang lumipad patungo sa pwesto ng lalaki. Agad naman niya itong nailagan. Napayuko rin ang ilan sa mga estudyanteng nasa aking likuran, takot na matatamaan ng mga ito. Napatingin ako sa babae na ngayon ay nakahawak sa kanyang leeg at tila nahihirapan.

I glanced at the black-haired girl and was shocked to see that she was the one controlling the girl. Everyone gasped as she continued to control the girl with the ability to control stones.

"Fiona, that's enough!" sigaw ng lalaking nakasakay sa itim na kabayo.

Bumabagsak ang babae sa lupa habang naghahabol ng hininga. Napayuko ito at muling umiyak. Nagsibulungan ang mga tao sa aking paligid habang patuloy ang tensyon na nangyayari.

"Don't cry after making a scene. You are not the only victim here. Do you think it is also easy for the rest of us? Each of us is a sacrifice, no one can control death," saad ng babaeng nakaitim na buhok at iniwan ang babae.

Nagsimula ng magsialisan ang mga estudyante sa aking paligid ng tuluyang nawala sa aking paningin ang mga galing sa pader na iyun. Dumako ang tingin ko sa babaeng iyon na natili paring umiiyak sa gitna. Lumapit ako sa kanya at inabot ang aking panyo ng may isang kamay na tumabing sa aking kamay. Napatingin ako sa aking gawi at kumunoot ang aking noo ng makita si Nyx.

Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon