ARIANNE'S POV
Mahigpit akong nakakapit sa shoulder bag na nakasabit sa balikat ko habang nakatayo ako sa tabi ni Daddy.
We're here at the place where I would want to go to lastly. I should be at my friends' graduation right now. Kasama ko dapat ang maraming tao kasama na ang mga kaklase ko na gagraduate at mga kaibigan ko pero realistically speaking, nandito ako sa lugar na walang katao-tao.
Well, may mga bahay na nadaanan kami kanina pero iilan lang din iyon. Pansin ko rin na may maliit na bahay sa tabi nitong bahay ng Lola ko pero wala namang tao.
"Umayos ka na, Arianne. Parating na ang Lola mo." sabi sa akin ni Daddy kaya napaayos naman ako ng tayo.
I heard light footsteps coming from the inside. Tapos ay unti-unting bumukas ang gate at iniluwa no'n ang Lola Francia ko, Mommy ng Mommy ko.
"Gilbert! Arianne, apo..." nakangiti niyang saad pagkatapos magmano ni Daddy sa kaniya.
Dad looked at me saying I should also do what he did kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. I get Lola's hand bago ako nagmano rin sa kaniya.
"Salamat... Dalagang-dalaga ka na, ang ganda-ganda pa." pansin niya sa akin.
I smiled because of it. My Lola spitting a fact.
Pero agad nawala ang ngiti ko nang maramdaman kong may butil ng pawis na tumulo na mula sa noo ko.
"Thank you, Lola. But can we go inside na? Ang init dito eh," sabi ko at nagpilit ng ngiti.
"Ay, oo. Sige, halika, pumasok na kayo!" saad niya at agad kaming pinapasok ni Daddy.
"Sorry, Ma. Alam niyo naman 'tong apo niyo. Hindi lang sanay na natatagalan sa init tapos sa ganitong lugar."
Hindi na nga sanay tapos dinala pa 'ko rito. What a great idea they have. Impressive.
"Alam ko... Kaya may kwarto akong pinalagyan ng aircon. Iniisip ko kasi na kapag isang araw magbakasyon kayo ritong pamilya, magiging komportable si Arianne."
Natahimik nalang ako nang magsimula nang mag-usap sina Daddy at Lola.
Lola's house is big. Sa mga bahay na nadaanan namin kanina, walang papantay dito sa bahay niya. Not to brag but obviously, alam na kung sino ang mayaman dito sa lugar na 'to.
When we got inside, agad akong naupo sa malambot na sofa rito sa sala. Ugh, finally!
Itinaas ko ang mga binti ko at ipinatong iyon sa malapit na maliit na lamesa, sa center table. Komportable na ako sa ganong posisyon nang agad akong sitahin ni Dad nang makita ako.
"Arianne," seryosong banggit niya sa pangalan ko kaya napatingin din sa akin si Lola.
Lola smiled, "Hija, please sit properly, apo." malumanay niyang sambit sa akin. Nahiya naman ako kaya agad akong sumunod. Maya-maya ay tumawa siya nang mahina nang bumaling siya kay Dad. "Makulit pa rin siya hanggang ngayon, ano," nakangiti niyang saad.
"Hindi nalang simpleng kulit 'yan, Ma. She needs to be disciplined well. Marian and I thought of you, I know she will be in a good hand here with you. Mas mababantayan siya kung nandito siya." Dad said.

BINABASA MO ANG
When We Met
Narrativa generaleArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...