Chapter 21

133 6 0
                                        

Days passed by and Ethan and I are just getting more sweeter to each other. Hindi ko nga alam kung nahahalata na ba ni lola na may iba na sa mga ikinikilos namin o iniisip pa rin niya na talagang close na kami ni Ethan kaya sobrang komportable na rin kami sa isa't isa. Nonetheless, I'm sure lola won't have negative impression about us if she finally finds out the truth. Pero minsan parang gusto ko na rin sabihin eh.

Kakagising ko lang ngayon sa pagkakatulog ko ngayong hapon. Pagtingin ko sa oras ay nakita kong malapit na palang mag-alas singko. Oh, I slept for two hours. Napagpasyahan kong bumaba para magmeryenda.

Nasa hagdan palang ako ay narinig ko nang may kausap si lola sa sala. At hindi nga ako nagkamali. I saw a familiar face of a middle aged woman, siya yung minsan pumupunta rito kapag maraming kailangan gawing paglilinis. I just forgot her name.

"Sige, lola. Salamat po talaga. Ibabalik ko rin po agad sainyo 'to. Talagang walang-wala lang talaga kami ngayon." sabi niya sa lola ko.

"Wag mo munang isipin yung bayad. Ibili mo nalang muna agad 'yan ng gamot ng anak mo." lola said.

"Sige po, salamat. Mauuna na ho ako." sabi nito at nagpaalam na.

Our eyes met and I smiled at her a little. Ganun din ang ginawa niya bago siya tuluyang umalis. Samantalang lumapit din naman ako kay lola.

"What was that, lola?" I asked.

"Si Merlyn, nanghiram ng pera. Nagkasakit yung anak eh." saad niya kaya napatango ako.

Pagkatapos ay luminga naman ako sa paligid. "Si Ethan po?" tanong ko ulit.

"Nasa bahay nila. Nagpapahinga 'yon panigurado." she said. "Pansin ko lang, parang palagi mo ata siyang hinahanap kapag nawawala siya sa paningin mo."

Nagpigil ako ng ngiti kay lola bago ko siya hinawakan sa kamay. We went to the kitchen and I prepared us some snacks.

"Coffee, milk, or juice, lola?" I asked her dahil ipagtitimpla ko siya ng maiinom.

"Juice nalang, Anne." she said and sat on the chair.

I just nodded and prepared juice for the two of us. Iyon nalang din ang iinumin ko. Pagkatapos ay kumuha rin ako ng tinapay para sa aming dalawa.

Inaya ko si lola sa may garden niya para presko. I want to tell her something. Gusto ko nang sabihin sa kaniya yung tungkol sa amin ni Ethan. She deserves to know, because she made me feel that what I feel is valid.

"Lola, I have something to tell you." malambing kong saad habang magkatabi kami ng upuan.

"Hm, what's that?" she asked as she take a sip on her juice.

Hinayaan ko na muna siyang makainom. Tapos ay humugot ako ng hininga bago muling nagsalita habang hawak ang isang kamay niya.

"Ethan and I are together na po. Kami na, lola." I told her.

Ngumiti ako nang banggitin iyon. I want to show her how happy I am with that. Hindi pa ako sumaya nang ganito dahil lang sa may lalaki na sa buhay ko.

"What?" medyo gulat na saad ni lola. "Paano? Niligawan ka ba niya? Kailan mo pa sinagot?" pagtatanong niya.

Shit. Iyon lang...

I smiled apologetically to her and used my charm. "Lola, I'm sorry to disappoint pero wala pong ligawan na nangyari." I admitted. "Ethan and I just confessed to each other of what we feel and it happened na pareho lang po kami ng nararamdaman. And I want him so badly kaya ininsist ko na pong maging kami nalang." sabi ko sa kaniya.

"Gosh, hija," she uttered in a little bit of disbelief.

"Pero, lola, don't get it wrong. His intention is pure. Ramdam ko po iyon. And you know Ethan, he's a good man so you don't have to worry. I'm safe with him po." saad ko.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon