Chapter 30

146 6 0
                                    

Pagkatapos mag-ayos dahil naligo ako ay agad na rin akong bumaba. Naabutan ko si Ethan na kinakausap na ng mga magulang ko.

"Ethan, let's go." tawag ko sa kaniya. "Aalis muna ako. I will be with him. Ihahatid ko na rin siya sa tinutuluyan niya." paaalam ko naman sa mga magulang ko.

Ethan stand up but then Mom also talked.

"Hindi mo pa nga siya pinapakilala sa amin nang maayos, paaalisin mo kaagad? I told him to stay, inviting him for lunch." she said.

Napatingin naman ako sa kanila. Then I looked at Ethan as if I'm asking him if he agreed to my Mom. Pero nanahimik lang ito at nakapamulsang nakatayo.

"Let's go. Nagpahanda na ako ng lunch." Mom said again.

Tumango nalang ako. Pero pinauna ko muna sila ni Daddy umalis bago ako tuluyang lumapit kay Ethan.

"Did they ask you too much questions? Nagtanong ba sila ng kung anong tungkol sa atin? What? Tell me?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Hindi naman. Kumalma ka, hm? Tinanong lang nila kung saan ako nakatira ngayon at kung anong ginagawa ko sa buhay. Sinabi ko yung totoo sa kanila, Ari. Okay lang naman, diba?" sambit niya rin.

"Of course," I said. Bakit naman hindi? "W-What about us? Are we going to tell them now about us?" tanong ko pa.

"Ikaw ang bahala. Mga magulang mo sila. Tsaka kung ready ka na rin. Kung hindi pa, 'wag muna." sabi niya.

Malamlam ko lang siyang tinignan. He really thinks about me first. He's so considerate.

Nang marinig kong tawagin na kami ng mga magulang ko ay inaya ko na siyang pumunta kami sa dining area. I made him sit beside me para maging komportable siya. I served him food, ako ang naglagay ng pagkain sa plato niya nang walang pasabi.

Hindi ako mapakali. Ginawa ko lang kung anong gustong ikilos ng katawan ko. I know Mom and Dad will be confused with my actions but I didn't mind it that much anymore. After all, alam kong magtatanong at magtatanong sila.

We started eating once everything is settled on the table. I didn't get to eat breakfast earlier kaya ngayon ay gutom na rin ako. I focused on eating, at natauhan lang ako nang biglang magsalita si Daddy.

"Ipakilala mo naman kami sa bisita mo, Anne." he suddenly said.

I chewed my food first and swallow it. Uminom din naman muna ako ng tubig bago ako maayos na nagsalita.

"Hey," I lightly tapped Ethan on his lap kaya napatingin siya sa akin. Umayos naman kaagad siya. "Ethan, they're my parents. Mom, Dad, I think you already know him since you already got to talk to him earlier." I said.

"Yeah, his name is Ethan." Mom said and I quickly nodded in agreement. "Pero ano nga ulit ang apelyido mo, hijo?" she asked.

"Rosales po," Ethan responded immediately. "Ethan Rosales po, Ma'am." he said.

"So, what's with the flowers? Bukod sa ngayon ka lang namin nakilala, ngayon lang din may naghanap na lalaki sa anak namin na hindi niya naman kasama sa trabaho o ano..." Dad talked. "Hindi sa hindi ko papayagan ang anak ko na sumama sa isang lalaki. I'm actually wondering why at her age, twenty-eight, eh wala pa siyang partner. Sumagi na nga sa isip ko na ireto siya sa anak ng kumpare ko but I still think about her feelings. I just want our only daughter to be happy."

"Ethan right here is actually my suitor, Dad." I said when I heard what he said.

Wala akong alam sa iniisip niyang 'yon. And good thing hindi niya tinuloy at naisip niya pa ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkataon.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon