Chapter 33

262 5 2
                                    

I fixed the cardigan I am wearing when I entered the elevator. Galing ako sa rooftop ng condo, nagpahangin lang. Nagsuot ako ng cardigan dahil medyo malamig ang simoy ng hangin sa taas.

It's almost nine in the evening already. Matutulog na ako pagdating ko sa unit ko. Tutal, maaga rin ako bukas.

Nasa floor na ako ng unit ko nang lumabas na ako ng elevator. Habang naglalakad ay pansin kong may lalaking nakatayo sa tapat ng unit ko. My brows furrowed a bit as I look at the man while walking toward his direction.

"Hey," I called him nang medyo malapit na ako sa kaniya. Th guy immediately looked at me and my eyes widened a bit in shock when I recognized him. "Ethan," saad ko sa pangalan niya.

Agad niya namang ibinaba ang hood ng hoodie niya tsaka agarang lumapit sa akin. I stopped when he hugged me immediately. That made me stand still on where I am standing at.

Base sa nakita kong ekspresyon niya kanina ay para bang nag-aalala ito at nakahinga lang nang maluwag nung makita niya ako.

"Why are you here?" I asked him in a low voice after he hugged me.

"Kanina pa ako nandito. Saan ka ba galing? Pinag-alala mo ako. Hindi mo sinasagot mga tawag ko, di ka nagrereply mula nung sinabi mong nandito ka na sa condo mo, tsaka kanina pa rin ako kumakatok sa pinto ng unit mo, walang bumubukas. Hindi ko alam na umalis ka. Saan ka ba galing, Ari?" sunod-sunod at may pag-aalala niya pa ring tanong.

"I'm sorry. I just went to the rooftop to get some air. And naiwan ko yung phone ko sa loob. I'm sorry for making you worried." I told him as I openend my unit. Pinatuloy ko na rin siya sa loob.

Naglalakad ako papunta sa sofa nang maramdaman ko ang kamay ni Ethan sa braso ko. He gently grabbed my arm and made me look at him so I turn around to face him. Nakatingin lang ako sa kaniya at inilapit niya ang mukha niya sakin. I know he's going to kiss me but he stopped when our lips are inches away from each other.

"Uminom ka ba?" he suddenly asked.

Oh, he probably smelled it.

"Yes," I answered. "I just had some beer when I was at the rooftop." I said.

He sighed. He just kissed me on the forehead instead. Pagkatapos ay bigla niya akong kinulong sa mga bisig niya at niyakap.

"Okay ka lang ba?" he suddenly asked while hugging me.

"Yes? Bakit naman hindi?" I asked back.

"Bakit di mo 'ko niyayakap pabalik?" he asked, sulking.

Napangiti ako nang maliit bago ko siya dahan-dahang niyakap pabalik. I felt him kissed the top of my head as I hugged him back.

Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin kaya napakapit ako sa balikat niya. He held my thighs so I automatically encircled my legs around his waist. Pagkatapos ay naupo siya sa sofa at nasa ibabaw niya naman ako.

"What was that for?" nagtataka kong tanong.

Umiling lang siya habang nakatitig sa akin. At imbis na sagutin ang tanong kong iyon ay nagtanong din siya sa akin pabalik.

"Okay ka lang ba talaga? Yung kanina roon sa apartment, wala kang dapat na ipag-alala roon. Kinausap ko na si Trina. Oo, nasasaktan siya ngayon, but she'll get over it." sambit niya sa akin.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon