"Walang kinalaman si Arianne sa pagtanggi ko sa'yo tuwing inaaya mo akong lumabas, Trina. Hindi lang talaga pwede ngayon kasi may mga gagawin pa 'ko. Tsaka hindi rin porket maluwag si lola sa akin, aabusuhin ko na siya at papabayaan nalang dito yung trabaho ko. Ano bang nangyayari sa'yo at nagkakaganyan ka bigla?"
Hindi ko na mapigilang mainis kay Trina nang pinipilit niya akong sumama sa kaniya. At dinawit pa niya ang pangalan ni Arianne na wala namang kinalaman dito.
"Pinagtatanggol mo pa talaga siya? Hindi ba't ako na dapat ang nagtatanong sa'yo kung ano na ang nangyayari sa'yo magmula nung nandito 'yang Arianne na 'yan? Sabihin mo nga sakin, Ethan. Gusto mo ba siya?" tanong niya sa akin.
"Ano naman sa'yo kung gusto ko nga siya?" saad ko.
Kung kailangan kong sabihin 'yon sa kaniya para protektahan si Ari at 'wag nang magpumilit pa sa akin, gagawin ko.
"Talagang sinasabi mo 'yan?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Paano naman ako, Ethan? Ako yung nauna. Matagal na kitang gusto, alam mo 'yon." may hinanakit niyang saad at parang paiyak na kaya hindi ko na siya matignan nang diretso.
"Hindi importante kung sinong nauna, Trina. Umalis ka na lang, please. Baka marinig pa tayo ni lola at pareho pa tayong mapagalitan." kalmado kong saad sa kaniya tsaka tumalikod.
Hindi ko na pinansin si Trina at ginawa nalang yung gagawin ko. Pero hindi rin nagtagal ay kusa na rin siyang umalis nang walang pasabi kaya napahinga ako nang maluwag.
Maya-maya rin ay bumaba na si Arianne. Medyo nagulat pa ako nang makita siya rito pero buti nalang at wala na rito si Trina. Sana wala rin siyang narinig.
Ibinaba niya lang yung pinagkainan niya para hugasan. I also checked her and her thigh at nakitang pawala na yung pantal niya roon. Hindi man niya sabihin pero simula nung nahigad siya, hindi na siya nagpapasama sa akin na lumabas kahit saglit. I know it's uncomfortable for her. Kaya mabuti naman at gumagaling na rin iyon ngayon.
Pumunta ako sa bayan para bumili ng gamot. Nilalagnat kasi si Neisha. Hindi na rin muna pumasok si nanay sa trabaho niya para may mag-aalaga at magbabantay kaya ngayon ako nalang yung bumili ng gamot.
Nagulat ako nang pag-uwi ko ay nasa bahay si Arianne. Hindi ko inaasahang mapapadpad siya sa bahay namin kaya agad ko siyang tinanong kung anong ginagawa niya sa amin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang sabihin niyang hinahanap niya ako dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung pag-amin niya sa akin ng nararamdaman niya.
Inobserbahan ko siya habang nasa bahay siya at hindi ko man lang napansin sa kaniya na hindi siya komportable. Maliit lang ang bahay namin at mainit pa pero wala siyang sinabi. She's just so casual visiting our house.
Sa nagdaang mga araw, randam ko at naririnig ko talaga mula sa kaniya yung pagkakaroon niya ng interes sa akin. Sana ganon din ako... Sana madali lang din maipahayag kung ano yung totoong nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung tama bang sabihin na may nararamdaman na rin ako sa kaniya, na gusto ko rin siya. Hindi ko kasi alam kung anong pwedeng mangyari, lalo na't hindi naman siya magtatagal dito.
"Oh, 'wag mo sabihing bibili ka na naman ng beer?" saad ko kay Arianne nang mapunta kami sa section na puro mga inumin dito sa loob ng grocery store.
We went out again. Nagpasama siya sa akin sa mall dahil may binili siya, kumain kaming dalawa sa isang restaurant, tapos ngayon naggogrocery na kami.
Sinabi ko pa naman kay lola na hindi ko na hahayaan si Arianne na bumili ng kahit anong inumin pero eto naman siya ngayon.
"Wine naman this time." nakangiti niyang sambit.
BINABASA MO ANG
When We Met
Fiction généraleArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...