"Happy birthday, Neisha."
I greeted Ethan's sister, when she went near me. Medyo nagulat ako nang yakapin ako nito. Dahan-dahan naman akong yumakap pabalik tsaka marahang hinagod ang likod niya.
"Thank you, ate. Sabi ni kuya, ikaw daw po bumili nung isa pang cake." sabi niya sa akin.
Ngumiti nalang ako sa kaniya. Humiwalay din kaagad kami. "You're welcome. You deserve that cake." sabi ko nalang sa kaniya.
It's her birthday today, seventeen years old na siya. I bought a cake for her kahit na alam kong may nabili na silang cake. Sinabi kasi ni Ethan na naghati pa sila ng nanay niya para sa panghanda sa birthday ni Nene kaya ano nalang naman yung dinagdag kong isang cake. I also bought her a gift. It was just a pair of earrings and a necklace, set iyon.
"Ate, next year pag debut ko, sana nandito ka ulit." sabi niya sa akin.
I smiled at her. "Oo naman, why not?" saad ko. I would love to be part of her debut next year.
Nag-uusap pa kami ni Nene nang lumapit na sa amin ang kuya niya. Kami-kami nalang ang nandito sa bahay nila.
May mga bisita naman dito. Mga kaibigan at naging kaklase raw ni Nene. I helped them prepare for their simple yet meaningful celebration. Gabi na nga ngayon at nandito pa rin ako sa kanila.
"Tara sa loob." aya ni Ethan.
Sumunod naman kami ng kapatid niya sa kaniya. Neisha went to their room dahil magbibihis na raw siya. Samantalang ako ay sumunod lang kay Ethan hanggang sa maliit nilang kusina.
I saw Tita Shirley, his Mom, just got finished putting some food on a tupperware. Napangiti pa ito nang makita ako.
"Arianne, ito oh, iuwi mo na. Para sainyo ni lola Francia." she said.
"Thank you po." saad ko tsaka kinuha yung dalawang tupperware.
"Pasensya na, ah? Kaunti lang kasi yung natira. Hindi naman namin inaasahan na medyo marami yung pupuntang inimbita ni Nene. Buti nalang nagkasya pa yung handa." she said.
"No, Tita, it's okay, I understand." I told her.
"Thank you sa pa-cake ha? Nakita mo naman, tuwang-tuwa yung birthday celebrant." sabi pa ni Tita at mahinang tumawa.
Ngumiti nalang ako at tumango. Kagaya ng sinabi ko kay Neisha, wala lang 'yon. They are all nice people. They actually deserve more.
Inalok pa ako ni Tita Shirley na kumain muna bago umalis pero tumanggi na ako dahil busog pa ako. Kumain na ako kanina eh. Kaya kay lola ko nalang ibibigay yung pinapauwi nilang pagkain sakin.
Hinatid na ako ni Ethan sa labas dahil anong oras na. Huminto kami sa tapat ng gate ni Lola.
"Take a good rest, ha? Pagkatapos mong tulungan si Tita na magligpit at maglinis, magpahinga ka na at matulog. It was a long day for your family." I told him.
Hindi na niya ako mahahatid pa sa loob dahil may mga gagawin pa siya sa kanila.
"Ikaw din. Wag ka magpuyat. Matulog ka na rin agad at magpahinga. Thank you sa kanina." sabi niya sa akin.
I smiled and tiptoed a bit to kiss his lips.
"I love you. Goodnight." I said after.
"Goodnight, I love you too. See you bukas." sabi niya at hinawakan ako sa pisngi.
We stared at each other. I don't know why but I felt weird all of a sudden. Parang ayokong umalis sa tabi niya. Parang gusto ko nalang siyang patulugin ulit sa tabi ko o kaya naman doon kami sa bahay nila pero alam kong hindi pwede.
BINABASA MO ANG
When We Met
General FictionArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...
