Chapter 4

184 4 0
                                        

"Lola, lalabas na po kami ni Ethan!" paalam ko kay lola nang maihanda ko na yung dadalhin ko.

Nakapagpaalam na ako kay lola na magpapasama ako kay Ethan na lalabas ngayon. I told her the reason why. At since si Ethan naman ang kasama ko na talaga namang pinagkakatiwalaan niya ay agad siyang pumayag.

As a thank you, pinasabay ko si Ethan na kumain ng lunch kasama namin ni lola kanina. Kanina, hindi ko nasabi sa kaniya pero masarap yung pagkakaluto niya ng adobo. Hindi 'yon bola, masarap talaga. I don't usually ate a lot pero kanina, naka-dalawang rice ako dahil nasarapan ako sa adobo niya.

"Ethan, let's go,"

Pinuntahan ko na si Ethan na hinihintay ako sa may pinto. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago tumango kaya isinukbit ko na sa balikat ko ang tote bag ko na laptop ang laman.

Binuksan ko ang payong ko pero walang pasabing kinuha iyon sa akin ni Ethan. Siya ang nagpayong sa aming dalawa. Ako naman na wala masyadong hiya ay kumapit sa isang braso niya nang magsimula na kaming maglakad paglabas ng gate ng bahay.

"Grabeng init naman 'to," reklamo ko agad.

Wala akong nadalang sunglasses kaya ngayon ay wala akong magamit. Nakakasilaw pa naman 'tong init.

Hapon na ngayon, alas dos. Tirik na tirik ang araw pero ngayon ko napagpasyahang lumabas. Ayaw ko kasing masyado na kaming hapon lalabas ni Ethan dahil baka maabutan kami ng dilim sa daan. Nagsuot nalang ako ng presko ngayon, highwaist shorts at croptop. Ganito lang naman palagi ang suot ko kapag nasa bahay eh, komportable.

"Uy, pre, ganda niyan ah!"

Naglalakad kami ni Ethan, nakahawak pa rin ako sa braso niya para magkasya kaming dalawa sa payong nang may madaanan kaming tindahan na may tatlong lalaking nakatambay. Yung isa, walang pang-itaas, habang yung dalawa naman ay nakasando lang. Yung walang pang itaas yung nagsalita.

"Oh, ano ngayon?"

Napalingon ako sa kasama ko na seryoso ang boses nang magsalita.

"Jowa mo, pre?" rinig kong tanong ng isa pang tambay doon sa tindahan.

"Wag ka nang lumingon."

Seems like Ethan predicted that I will look back at those guys when he suddenly talked in a warning tone dahilan para hindi ko na ituloy ang paglingon ko.

"Wag kang lalabas ng bahay kapag wala kang kasama, kapag hindi mo 'ko kasama. Maraming loko-lokong lalaki rito." sabi niya nang hindi ako tinitignan. Diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin.

"Isa ka ba roon?" biro kong tanong.

"Tsk, mukha ba akong loko-loko?" asar niyang sambit sa akin dahilan para matawa ako.

"Hindi," sabi ko habang tumatawa. "Kasi sa ating dalawa, ako talaga yung maloko." sabi ko pa.

"Mabuti alam mo." aniya.

Nanggigil ako sa kaniya kaya naman mahina akong pumisil sa braso niya. Shit, the biceps! Parang gusto ko magpa-headlock sa kaniya. Pasimple ko na rin siyang inamoy and I like his smell, mabango. Maasar nga 'to mamaya pag may pagkakataon.

I just continued walking with him. Hindi ko alam kung malayo o malapit lang ba yung lugar na tinutukoy niya kung saan may signal pero sana ay malapit lang. Wala na kami masyadong kibuan ni Ethan pero sa tuwing may tinatanong ako ay sinasagot niya naman agad ako.

May ilang mga bahay at tindahan din kaming nadaanan pa. At pansin ko yung mga tingin na ipinupukol sa akin ng mga taong nadadaanan namin.

After fifteen minutes of walking, I guess, we finally stopped under a big tree.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon