Nakatitig ako sa tubig na umaagos sa talon. Kanina pa ako nakatitig doon.
Kanina pa ako umahon sa tubig. Nandito lang ako nakaupo sa may malaking bato kung saan ko iniwan yung mga gamit ko.
"Ari..."
Napatingin ako kay Ethan nang tawagin niya ako. He approached me as he also get off from the water. I watch how he walk towards me with his hot wet look.
Ang ganda ng katawan niya. Bagay na bagay sa kaniya. Ngayon ay malaya kong natititigan ang katawan niya dahil wala naman siyang ibang suot kundi yung shorts niya. He's topless kanina pa after he joined me on the water.
"May problema ba? Gusto mo na bang umuwi?"
Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Ethan. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sobrang lapit ng mukha niya bago ako napailing.
"No... I just got zoned out I think, I'm sorry..." paghingi ko sa kaniya ng paumanhin.
Later on I felt him sit beside me. Surprisingly, he placed his hand on my left thigh, making me look at him again.
"Kung may iniisip ka o bumabagabag sa'yo ngayon, wag kang mag-alangan na sabihin sakin. Baka makatulong ako... I just don't want seeing you like that na parang wala sa mood, feeling ko kasi may mali. O baka may nagawa or nasabi akong hindi mo nagustuhan. Just let me know."
Ngumiti ako. "Bagay sa'yo mag-english." sabi ko nalang at mahinang tumawa.
Well, totoo naman! Parang nakadagdag sa pogi points niya kapag nagsasalita siya ng ingles, lalo na nung first time ko siyang marinig na nagsalita no'n. I really felt weak kasi ramdam na ramdam ko yung pagkakabitaw niya ng salita.
"Seryoso nga, Ari." he said.
I just smiled again. "I love it when you're calling me Ari." I said. "Ikaw lang tumatawag sa akin niyan. Kaya magmula nung tinawag mo 'ko diyan, sinabi ko sa sarili ko na wala na dapat ibang tao ang tumawag sakin no'n." saad ko. "I don't know why but I felt special when you called me in that nickname. Nickname na binigay mo sakin." sabi ko pa.
Ngumiti siya nang maliit and it didn't reached his eyes. Siya naman ngayon ang umiwas ng tingin.
I sighed a bit heavy as I get his hand placed on my thigh. I held his hand and clasped our fingers together.
"You know that I like you, right, Ethan?" I suddenly asked.
Dahil doon ay unti-unti niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. He looked into my eyes so I smiled.
"Thank you..." I told him. "Thank you for letting me confess my admiration towards you. Thank you kasi hindi mo ako iniwasan after knowing na may nararamdaman na ako sa'yo." sabi ko sa kaniya. "Wala akong ibang masabi sa'yo kundi puro salamat. For all the things you've been doing for me. Kahit na sobra-sobra na. Kaya ngayon nga napapaisip na ako kung bakit mo ba 'yon ginagawa eh. I mean, I know you just wanted to help and assist me, you wanted to make sure na hindi ako nahihirapan dito pero feeling ko kasi talaga, sobra na..."
"Walang sobra pagdating sa'yo, Arianne." he cut me off.
I breathed deep. I don't know what to feel. May laman ba yung sinabi niyang 'yon? Hindi ako umaasa, gusto ko lang malaman.
"Anong ibig mong sabihin?" mahina kong tanong sa kaniya.
"Ayokong makitang nahihirapan ka. Lalo na't pareho nating alam na hindi ka sanay sa ganitong lugar, sa ganitong buhay. Alam kong gustong-gusto mo nang umuwi sainyo. Gusto mo nang balikan yung buhay mo sa Maynila. Kaya ko ginagawa lahat para sa'yo para hindi mo maramdaman na nahihirapan ka rito. Para kung sakali, gustuhin mo ulit bumalik... Para kay lola." I listened to what he says. Gusto kong marinig lahat nang sasabihin niya. "Ang totoo niyan hindi lang ikaw yung may nararamdaman na eh."

BINABASA MO ANG
When We Met
Ficção GeralArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...