"Ang aga mong umalis kanina ah. Wala ka pagbaba ko rito. Did you even eat breakfast before leaving?"
Kinakausap ko si Ethan habang pinapahiran niya ng ointment yung nahigad na parte ng hita ko. He insisted doing it.
"Nagkape lang ako kanina. Inagahan ko kasi umalis para makabalik din agad nang mapahiran na 'to," he said.
"You should eat after this." I told him. Tumango nalang din siya bilang tugon.
Narito kami sa sala. Nakaupo ako sa sofa and he's squatting in front of me while rubbing the ointment on my thigh.
"Tao po—H-Hoy..."
Nagulat ako nang may biglang pumasok dito sa loob. I saw Trina. She didn't even bother to knock on the door at dire-diretso lang siyang pumasok at lumapit sa amin.
"Anong nangyari diyan? Nahigad?" nagtatakang saad niya.
"Obvious ba," Ethan uttered. "Bakit ba nandito ka na naman? Wala ka bang ginagawa sa bahay niyo?" he asked his friend.
"Magpapasama lang sana ako sa'yo. May pupuntahan tayo." Trina said.
"Hindi ako pwede ngayon." Ethan said. "Hm, okay na. Mamaya lagyan nalang ulit natin." bumaling siya sa akin at ngumiti bago siya tumayo. "May gagawin ako ngayon, Trina. Sa susunod nalang." he turned to his friend next.
Ako naman ay tumayo nalang din. Umalis ako sa harapan nila at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng plato at kutsara at tinidor tsaka ipinaghanda ng pagkain si Ethan.
He said he only had coffee before leaving earlier to buy ointments for me. Hindi naman urgent kong kailangan iyon pero inuna pa rin niya.
"Oh, ngayon ka palang kakain?"
Napatingin ako kay Ethan nang sumunod na siya rito sa kusina. "Ah, no. This is for you. Kasi sabi mo nag-coffee ka lang kanina." sabi ko sa kaniya. "Kumain ka na." sabi ko pa.
Naupo naman na siya kaya inilapit ko na sa kaniya yung pagkain niya. He smiled before looking at me.
"Salamat." aniya.
Wala sa sariling napatulala ako sa kaniya nang ngitian niya ako. Ngayon ko lang ata napansin na ang ganda ng ngiti niya. Mas lalo siyang gumagwapo... Probinsyano ba talaga siya?
I cleared my throat when I realized I'm staring at him too much.
"Bakit hindi mo sinamahan yung kaibigan mo? Pwede namang magpaalam ka nalang muna ulit kay lola." saad ko tsaka naupo sa tabi niya.
"May mga gagawin pa nga ako rito. Tsaka, ayaw kitang pabayaan. Bantay sarado ka sakin lalo na ngayon dahil diyan," lumingon siya sa akin tsaka nakangusong tinuro yung hita ko.
Ugh, he's too much caring!
Hindi na muna ako nagsalita at hinayaan ko nalang siyang kumain. Ikinuha ko na rin siya ng tubig para makainom siya bago ako muling umupo sa tabi niya.
"Ang puti ng kapatid mo, no? Mestiza siya." I suddenly said.
"Mana sa tatay niya." he said.
Napatango nalang ako. So, siya ay mana sa nanay niya?
"Tingin ko, mas gwapo ka lalo kung nagmana ka rin sa tatay niyo." I said. Wala naman akong problema kung hindi niya minana ang tatay nila, pero parang naimagine ko lang siya kung mestizo rin siya. Siguro maraming babae ang tiyak na magkakandarapa sa kaniya.
"Sinasabi mong gwapo ako?" aniya.
"Oo," agad ko namang sambit dahil iyon naman ang totoo. Gwapo siya.
BINABASA MO ANG
When We Met
General FictionArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...
