"Arianne, apo?"
Narinig ko ang boses ni lola na tinatawag ako mula sa labas ng kwarto. Kumakatok din siya kaya agad naman akong tumugon para papasukin siya.
"Pasok, lola," saad ko tsaka ibinaling ang tingin ko sa movie na pinapanood ko sa laptop.
"Bakit hindi ka lumalabas ng kwarto? Tara na sa baba, lunch na." sabi ni lola nang lumapit siya sa akin.
I smiled a bit as I paused the movie. "Nanonood lang po kasi ako ng movie para hindi ako ma-bored." sabi ko at tumayo na rin.
Lumabas na kami ni lola ng kwarto ko at sabay na kaming bumaba.
Magmula kasi kahapon pagbalik namin dito ni Ethan, nanatili nalang ako sa loob ng kwarto. Lumalabas lang ako tuwing tinatawag na ako ni lola para kumain. Ewan ko ba, nahiya ako bigla kay Ethan. Baka masyado akong feeling close kaya nakukulitan na siya sakin. I thanked him yesterday for accompanying me at pagkatapos no'n ay wala na. Hindi na kami nag-usap, hindi ko na siya kinausap.
Pagdating namin ni lola sa dining ay nagulat ako nang makita roon si Ethan na nakaupo, mukhang hinihintay kami. Pansin ko rin ang dalagitang babae na nasa tabi niya nakaupo. Mestiza, ah.
"Apo, ayan si Nene. Kapatid 'yan ni Ethan." sabi sa akin ni lola. "Ne, ito si ate Arianne. Siya yung apo ko." pagpapakilala naman niya sakin doon sa babae.
The girl named Nene smiled at me a little as she waved her hand at me. "Hello po," nahihiyang bati niya sa akin.
Maliit naman akong ngumiti at binati siya pabalik bago ako umupo.
"Pinasabay ko na sila rito kumain sa atin dahil wala pa raw yung nanay nila. Ganito kami madalas dito, Anne. Sila ang madalas kong kasama." pagkukwento ni lola habang kumakain na kami.
I looked at the siblings and they're casually eating, mukhang sanay na sanay nga sila rito.
Tumango nalang ako sa sinabing iyon ni lola bago nagsalita at nilihis ang usapan.
"Lola, where can I buy groceries here? Mamimili po ako ng mga pagkain at stocks natin dito sa bahay. Don't worry po, I have my own money to spend." sabi ko sa kaniya.
"Doon sa bayan. Magpasama ka nalang kay Ethan." she said making me look at the guy eating in front of me.
Napalunok ako bago tumango at nagpasalamat. What the hell, paano ako magsasabi kay Ethan? Nahihiya na ako...
Natapos kaming kumain nang hindi ko kinausap si Ethan. Mukhang mahihirapan ako nito. He's the only person I can ask for help and assistance here.
"Wag ka munang uuwi. Ikaw na maghugas ng pinggan."
Nasa lababo na ako at planong maghugas ng pinggan na pinagkainan naming apat nang marinig kong pagsabihan ni Ethan ang kapatid niya. Sinasabing siya na ang maghugas.
Maya-maya, lumapit na sa akin si Nene kaya napatingin ako sa kaniya.
"Excuse me po, ate," saad niya.
"Okay lang. You can go home. Ako nang bahala rito." sabi ko sa kaniya.
"Sigurado ka po?" tanong niya na agad ko namang tinanguan.
"Oo, sige na." sabi ko.
Dahil ako na ang nagsabi, wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Nagpasalamat rin pa siya bago siya umalis habang ang kuya niya naman ay nanatili pa rito.
Hindi ko nalang pinansin ang lalaking iyon at naghugas na. Pangalawang beses ko palang na naghugas ngayon dito. The first time was yesterday morning, yung pinagkainan ko lang naman yung hinugasan ko. Tapos ngayon yung pangalawa, itong pinagkainan na naming lahat.
BINABASA MO ANG
When We Met
Ficção GeralArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...