"Hey, Ethan. Ang aga mo naman nandito,"
Pagbaba ko ay nakita ko agad si Ethan dito sa bahay ni lola. I just woke up. Alas sais palang ata. I usually don't wake up this early pero nagising nalang ako bigla, hindi na ako makatulog. Medyo inaantok pa nga ako.
"Magluluto na 'ko ng almusal." sabi niya sakin.
"Huh?" nagtataka kong saad tsaka sinundan siya sa kusina. "Bakit?" wala sa sarili kong tanong.
"Anong bakit? Ako naman talaga nagluluto ng almusal dito. Ng inaalmusal natin." sabi niya at tumingin sa akin.
What? Akala ko pinapasabay lang siya ni lola sa amin kumain mula almusal. Iyon pala ay siya talaga ang nagluluto? Akala ko yung ibang tumutulong dito yung nagluluto eh.
Ay, shit. So nakikita niy harap-harapan na sarap na sarap ako palagi sa luto niya dahil vocal ako sa pagpuri at sinabi ko pa na hindi talaga ako nagbbreakfast ng heavy meal pero dahil sa masarap yung luto rito, napapadami ang kain ko.
I went to the comfort room dahil naiihi ako, hanggang ngayon kasi ay wala pa ring tubig sa taas kaya hindi ako makaligo at makapag-cr doon, dalawang araw na.
"Gusto mo na ba ng gatas?"
Paglabas ko ay tinanong kaagad ako ni Ethan.
"Ako nalang magtitimpla, magluto ka nalang diyan." sabi ko sa kaniya.
"Hindi, ako na," nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang beywang ko nang pumunta ako malapit sa kaniya para kunin yung titimplahing gatas sa cabinet. He went behind me as he did that. "Maupo ka nalang muna rito. Tignan mo nga sarili mo oh, parang inaantok ka pa." sabi niya at pinaupo ako sa malapit na upuan.
Wala sa sarili akong napasunod. Naupo lang ako sa upuan at hinayaan siya na siya na ang magtimpla ng gatas ko.
Lately, every morning ay napapainom na talaga ako ng gatas. Parang naging part na iyon ng breakfast meal ko dahil sa kaniya. Kusa ba naman niya akong pinagtitimpla tapos iaabot niya nalang sakin habang nag-aalmusal kami.
"Thank you," I thanked him after he handed me my milk. "Ah, doon na muna ako sa may garden. Para di rin ako makaabala sa'yo rito." sabi ko sa kaniya.
He didn't say a thing so I just went to the garden. I had my milk there quietly and peacefully. Sinadya kong doon na muna pumwesto para hindi ko siya maabala roon.
Pansin ko yung mga nalaglag na dahon na nagkalat mula sa puno kaya naman nang maubos ko yung gatas ay nagwalis nalang ako. May pumupunta naman dito na naglilinis pero ako nalang gagawa, magwawalis lang naman.
Nagustuhan ko na rin yung pagtambay dito sa garden dahil masarap pagmasdan yung mga magagandang bulaklak dito. Nakakainggit nga minsan eh, kasi sila nadidiligan. Araw-araw pa. Paano naman ako?
"Anne, ba't ikaw nagwawalis diyan? May gagawa naman niyan mamaya. Pupunta ata rito si Merlyn, yung naglilinis dito sa bahay."
Habang nagwawalis ako ay pinuntahan ako rito ni lola. Suot pa ang daster niya, bagong gising eh.
"Good morning, lola! Okay lang po, di naman 'to madami eh." nakangiti kong saad.
Since nandito si lola ay tinapos ko na agad yung ginagawa ko. I still made sure wala akong nakaligtaan na kalat bago ako tumigil at lumapit na sa kaniya.
"You wake up early? Hindi ka ba nakatulog nang maayos?" tanong niya sakin.
"Maaga lang po ako natulog." sabi ko. Madalas kasi ay maaga na akong natutulog ngayon dahil wala rin naman akong mapaglibangan.
"That's good. You should have a healthy sleeping routine." she told me.
I just nodded while smiling.
"Gusto mo ng mag-coffee, lola? Ipagtitimpla kita," ani ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/348260224-288-k962876.jpg)
BINABASA MO ANG
When We Met
General FictionArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...