"Oh, bakit wala ang Mommy mo rito sa graduation mo nung high school?"
I was showing lola Francia the photos I had on my laptop during the special ocassions I had. Including my photos during my graduation on elementary and high school. Pero napansin niya na si Daddy lang ang kasama ko sa picture na taken noong graduation ko nung high school ako.
"She did not make it, lola. She was out of town that time, if I'm not mistaken." I told her.
"Out of town for work na naman?" ani lola na tinanguan ko nalang dahil totoo naman. "Alam naman ng Mommy mo na mas mahalaga ang graduation day mo sa kahit na anong trabaho. Dapat ikaw ang pinili niya."
Ngumiti nalang ako nang pilit.
"Hayaan mo na, lola. Okay lang naman. At least Dad was with me. Kasi magtatampo talaga ako sa kanila kung silang pareho ang wala." sabi ko nalang.
"Aba, hindi pwede 'yon."
Mabuti pa si lola. Alam kung kailan dapat piliin ang ibang bagay kaysa sa trabaho. I wish my parents also know that.
"Sayang lang ngayon, lola. Kung gumraduate ako, edi sana silang dalawa ang kasama ko kasi hindi sila busy. Eh kaso hindi ako gumraduate kaya wala rin..." may panghihinayang ko pa ring saad.
Lola gently caress my arm kaya napatingin ako sa kaniya.
"Apo, please don't do that again..." she said.
"Ang alin po?" tanong ko.
"Yung bumagsak ka kaya hindi ka nakagraduate." aniya. "I'm saying this not to pressure you but I just want a bright future for yourself. Matalino ka. Alam kong alam mo na people made mistakes but they also learn from it in the end at maiiwasan na nilang gawin yung pagkakamaling 'yon. Sana ganun tayo, ha?" sambit niya.
Tumango nalang ako habang maliit na nakangiti. Whatever she says... I won't contradict.
I just continued showing her photos of me with Mom and Dad while I tell her the stories behind it. Nakita ko namang natutuwa siyang makita at malaman ang mga iyon.
Ilang araw na rin akong nandito. It's almost a week since I'm here and it's still the same. Boring na boring pa rin ako pero hindi ko na sinasabi iyon kay lola. Ayaw ko namang maawa siya sakin noh. I want to show her na kaya ko 'to, na kaya kong magtiis at mag-adjust.
"La, may dala po akong mangga para sainyo..."
Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Ethan.
He's here every single day. He do things here and I think that's what Lola is paying for. Pero okay lang naman. If that means naaalagaan at nababantayan niya rin si lola, I'm fine with it.
"Salamat. Saan galing 'yan?" tanong ni lola sa kaniya nang pumunta siya rito samin sa may garden para ipakita yung dala niyang mga mangga na nasa supot.
"Sa palengke po, may nagbigay kay nanay. Ang dami nga po eh kaya naisipan po namin na ibigay sainyo yung iba." sabi ni Ethan.
I just stayed quiet and didn't meddle with them.
"Anne, gusto mo ba kumain ng mangga?" maya-maya'y tanong sa akin ni lola.
I slowly nodded as they were both looking at me.
"Akin na, ako magbabalat." sabi ko kay Ethan at akmang kukunin sa kaniya yung supot para kunin ang mga mangga nang ilayo niya iyon bahagya.
"Ako na. Baka masugatan ka na naman. Ang ganda at ang lambot pa naman ng kamay mo. Hindi na natin hahayaang masugatan pa 'yan, ha?" sabi niya at ngumiti sakin. Tapos ay nagpaalam siya sa amin ni lola na magbabalat muna siya ng mangga at dadalhin nalang dito.
BINABASA MO ANG
When We Met
General FictionArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...