Chapter 15

99 5 0
                                    

"Lola, bakit ikaw po ang nagdidilig diyan?"

Napagpasyahan kong bumaba dahil wala akong magawa sa kwarto. At dahil hindi ko nakita sa sala si lola ay dito ako sa garden niya dumiretso dahil wala naman siyang ibang pupuntahan dito sa bahay. At ngayon nandito nga siya nagdidilig ng mga halaman niya.

"Wala kasi si Ethan, nakalimutan din ata niyang diligan 'tong mga 'to kanina kasi mukhang nagmamadali nung nagpaalam sa akin na aalis." she said.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko tsaka napatingin sa paligid pati na sa may kusina. Wala ngang tao roon, wala si Ethan. The last time I saw him was earlier, the three of us had breakfast together. Wala rin naman akong matatandaan na nagpaalam siya kay lola na aalis siya.

"Ako na po dito, lola. Maupo nalang po kayo." sabi ko kay lola.

She nodded as she give me the hose. Ako na ang nagpatuloy sa pagdidilig ng mga halaman at ng mga bulaklak niya. This is the least thing I can do. Hindi ko rin naman kasi masubukang magluto dahil palaging si Ethan ang naka-toka roon. Kaya minsan, kung hindi pagdidilig, naglilinis nalang din ako dito sa bahay para may magawa.

"Isang linggo ka nang hindi lumalabas, Anne. At isang buwan ka na ring nandito sa bahay."

I smiled because of what I heard.

I'm learning to live a life na hindi kagaya ng nakasanayan kong buhay sa Manila. I'm currently inactive on social media, gumagawa na ako ng mga gawaing bahay, unlike sa Manila na madalang lang dahil may mga maid naman kami sa bahay, at mas nagsstay na ako ngayon na nandito lang sa bahay ni lola at hindi masyadong lumalabas, hindi kagaya sa Manila na most of the time ay nasa labas ako.

Basta, ang importante sa akin ngayon, nasasanay na ako sa pamumuhay dito. I'm not missing Manila that much anymore right now.

Isang buwan na rin akong nandito. In a month or less, nasa Manila na ulit ako. Hihintayin ko nalang yung araw na 'yon, pero hindi ko na iyon minamadali.

After watering the plants, naghanda si lola ng snack naming dalawa. Kumain ako kasama siya. Pagkatapos ay napagpasyahan kong itanong ko sa kaniya kung saan ang bahay nila Ethan dahil baka nandoon lang 'yon.

"Yung maliit na bahay sa tabi natin. Iyon lang ang bahay nila. Ang lapit diba?"

Ah, oo nga pala. Parang nabanggit na iyon ni lola sa akin last time. Nakalimutan ko lang.

"Puntahan ko lang po siya. Pwede po ba?" I asked her.

"Oo, sige na. Para makita mo rin ang bahay nila. Tsaka para makilala mo na rin ang nanay niya. Hindi ko nga lang sigurado kung nandiyan ngayon dahil may trabaho rin 'yon sa isang tindahan sa palengke sa bayan." Lola said.

I just nodded.

Nagpasalamat ako sa kaniya bago nagsabing aalis na ako at mangangapitbahay muna.

Hindi na ako nag-abala pang gumamit ng payong kahit na mainit sa labas dahil sa kabilang bahay lang naman pala ang bahay nila Ethan. Paglabas ko ng gate, kumaliwa ako dahil doon yung sinasabi ni lola na maliit na bahay.

I observed the house and it's just really small fit for a small family.

"Tao po? Ethan?" tawag ko.

Hindi muna ako tumuloy sa loob dahil nakakahiya. Parang ang tahimik sa loob. Parang walang tao.

Teka, ito ba talaga 'yon? Isang buwan na akong nandito pero ngayon ko lang naisipan na bisitahin ang bahay nila Ethan.

"Tao po..."

"Sino 'yan?"

Bumukas ang pinto at niluwa no'n ang hindi pamilyar na babae na medyo may edad na.

"Hello po, si Ethan po ba nandyan?" magalang kong tanong.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon