"Next time, dito ka nalang pumunta sa condo kung gusto mong bumisita. Dito na kasi ako madalas nagsstay magmula nung kinuha ko 'to nung nagwowork na ako. Bihira nalang akong umuwi sa bahay. But I'll inform you naman if I'm here or not." sabi ko kay Ethan pagkatapos ko siyang patuluyin sa condo ko. "Upo ka na muna sa couch. I'll just put these flowers sa vase." I said.
Pinaupo ko na muna siya sa couch ko rito sa living room. Dala-dala ko yung bulaklak na binigay niya sa akin kahapon.
Hinayaan ko na muna siyang magpahinga saglit. We went out again. Pinagbigyan na namin ang mga sarili namin na makasama ang isa't isa kasi bukas, babalik na ako sa trabaho.
Nilagay ko na yung mga bulaklak sa vase tsaka iyon nilagay sa gitna ng coffee table ko rito sa sala. I smiled and take a seat beside Ethan.
"Mag-isa ka lang dito?" he asked.
Tumango naman ako. "Yes. But don't worry, safe naman dito." sabi ko sa kaniya.
"Kung may kailangan ka o kung bored ka rito kapag wala kang trabaho, sabihan mo lang ako. Pwede kitang samahan dito, o kaya lumabas tayo." sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko.
Maliit akong ngumiti at tumango. "Aalis ka na ba? You don't want to wait for dinner para sabay na rin tayong kumain? I can cook." sambit ko sa kaniya.
"Hindi na, salamat, next time nalang. Magpahinga ka na, bukas babalik ka na ulit sa trabaho, diba?" saad niya na tinanguan ko. "Hm, alis na 'ko."
Ethan stood up. Nakatingin lang ako sa kaniya bago tumayo na rin. I walked with him going to the door. Binuksan ko na ulit ang pinto. Tumigil kami tsaka nagkatinginan sa isa't isa.
"Babye na?"
"Message me kapag nakauwi ka na." sabi ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya bago tumango. Kinuha niya ang isang kamay ko. Napatingin ako roon nang halikan niya ang likod ng palad ko.
"Babye, Ari," he said while smiling a bit.
"Bye," I uttered.
Binitawan na niya ang kamay ko. Nanatili ako sa may pintuan at pinanood ko lang siyang maglakad palayo sa akin.
Ihahatid ko na sana siya sa apartment na tinutuluyan niya eh. Kaso ayaw niya. Mas kampante raw siya kapag alam niyang nandito na ako sa condo at unang nakauwi na kaysa sa kaniya.
I went back inside when he's already out of my sight. I get my phone and messaged him, telling him na mag-ingat habang pauwi.
I suddenly stare and read our conversations. Magmula kahapon, nagkakausap na ulit kami, nag-rereply na rin ako sa mg messages niya.
I admire Ethan... Limang taon... Limang taon na hindi kami nag-uusap. He was messaging me before at some time pero ni isang reply, wala siyang nakukuhang reply mula sa akin. And then two years ago, he stopped messaging me, he stopped contacting me. Buong akala ko, doon na rin kami matatapos. I thought he finally moved on from me but I was wrong.
As we catched up with each other, napag-usapan na rin namin yung tungkol doon. Nasira noon yung phone niya. Inuna niyang bumili ng bago kaysa ipagawa yung luma. He saved up money for that. Nung maipagawa naman na niya yung luma niyang phone, he transferred some files and photos to his new phone. Tapos sabay pa na mas naging abala pa siya sa pag-aaral niya. And I understand it, he just chose his priority.
I didn't even asked an explanation from him. Nabanggit at natanong ko lang sakaniya yung tungkol doon pero siya itong todo paliwanag pa sa akin.
Naghahanda na ako ng pang dinner ko nang biglang mag-ring ang phone ko. I hurriedly picked it up on the table expecting that it's Ethan who's calling pero mali ako. Mga kaibigan ko lang pala, tumatawag through videocall.

BINABASA MO ANG
When We Met
General FictionArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...