Chapter 10

176 6 0
                                        

My friends we're in disbelief when I told them through chatting on our gc about Ethan. Nagawan na nga raw nila ng paraan yung tungkol kina Gerald at Harold pero eto raw ako, may panibago namang pinoproblemang lalaki.

Pero hindi basta-basta lang lalaki si Ethan. Ikinwento ko sa kanila kung ano yung pagkakakilala ko kay Ethan. Pero halos parehas lang din ang nasabi nila sa akin sa sinabi ni lola kahapon. Tingin nila, lumalalim na yung nararamdaman ko.

"Pang-ilang buntong hininga na 'yan, ah."

I looked at Ethan beside me. We're here again under the big tree, sitting beside each other.

"Wala na akong ibang narinig kundi yung pagtatype mo sa keyboard ng cellphone mo at yung pagbuntong hininga mo." he said. Malamlam ko lang siyang tinignan at hindi nagsalita. "Parang naninibago agad ako sa'yo, Arianne. Hindi mo na ako pinaglalaruan."

"Pinaglalaruan ba kita?" mahina kong tanong sa kaniya.

Am I making him feel na pinaglalaruan ko siya? I admit, I was naughty with him few days when I arrived here. Pero ginawa ko lang naman 'yon para makuha ang atensyon para maging malapit sa kaniya.

"I'm sorry..." I apologized to him.

"Bakit ka nagsosorry? Wala lang 'yon, ano ka ba? Naninibago lang kasi talaga ako. Nakakamiss makita yung mga ngiti mo no'n. Ngayon ko narealize na nakakatuwa ka rin pala."

He chuckled.

Why is he saying that? Kapag ako napaamin, sisisihin ko talaga siya. Hindi ko planong umamin ng kahit na ano. We are friends and I'm fine with it now.

"Ako lang 'to, ano ka ba." saad ko. "Wag ka masyadong masasanay, Ethan. Baka hanap-hanapin mo 'ko, dalawang buwan lang ako rito." sabi ko tsaka umiwas ng tingin.

"Yun na nga eh, hindi ka naman magtatagal dito. Kaya pwede bang ngumiti ka naman? Ang ganda mo kaya lalo kapag nakangiti at tumatawa."

Did he just... Compliment me?

Napalunok ako bago tumingin ulit sa kaniya, pero ngayon ay nakangiti na.

"Ang ganda ko? So does that mean na crush mo na ako?" nang-aasar kong tanong.

"Crushable ka naman."

Fuck. Fuck, Arianne, wag kang magbblush.

"Pero kasi 'yang mga crush crush na 'yan, parang pambata eh. Bente kwatro na ako, di na 'ko bagay sa mga ganyan."

Haha, okay.

Umiwas nalang ako ng tingin. Presko rito kaya dinama ko yung sariwang hangin na tumatama sa balat ko. Parang gusto kong mag-picnic dito next time. Aayain ko ulit si Ethan sa susunod, or maybe even lola and Ethan's sister! Mas marami, mas masaya.

"Ang kati," saad ko nang makaramdam ng pangangati sa hita ko.

I scratched my thigh and my brows furrowed nang makita kong namumula iyon. What the hell? I suddenly felt something and my eyes widened in shock when I saw a caterpillar sticking on my thigh.

"Shit, Ethan!" I panicked and immediately tapped Ethan's arm as I point him the caterpillar on my thigh. "Remove that thing on me, please!" pakiusap ko tsaka niyugyog ang braso niya.

"Tangina," napamura siya nang makita ang higad sa hita ko. "Nasaan yung panyo mo? Diba may hawak ka kanina?" aligaga rin niyang tanong.

Agad kong binigay sa kaniya yung panyo ko. He immediately shoved the caterpillar away using my handkerchief.

"Tayo, tayo, umuwi na tayo. Gamutin natin 'yan."

Inalalayan niya ako sa pagtayo kaya humawak naman ako sa kaniya. Siya na ang kumuha ng laptop ko at inilagay iyon sa tote bag ko.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon