Chapter 16

122 5 2
                                    

"Yes, I'll get this red and green one." I told the sales lady who's assisting me while I'm picking which bikini to buy. I ended up buying two sets of swimsuit.

Nakapila na ako sa counter para bayaran iyon nang mapansin ko si Ethan na tahimik lang sa tabi ko.

"Hey, you okay?" I asked him.

He looked at me and simply nodded as he smiled a bit. "Yan lang ba bibilhin mo rito?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Let's stroll around after. Tapos grocery tayo bago umuwi." sabi ko sa kaniya.

Lumabas kasi kami ngayon. After a while, ngayon nalang ulit ako lumabas. Okay na rin kasi yung nasa hita ko, wala na yung pantal o ano. Iyon lang kasi yung pinakadahilan kung bakit ayaw kong lumabas nung mga nakaraan.

Nasa isang mall kami ngayon. I told Ethan I wanted to go shopping to buy swimsuit kaya rito niya ako dinala. Plano ko kasi ay bukas o sa makalawa, bumalik kami roon sa pinagdalhan niya sakin na falls.

"May stocks pa naman sa bahay ni lola. Inutusan niya ako nung isang araw na mamili." he said.

"Okay lang 'yon. Tsaka gusto ko rin matry mag-picnic doon sa may bundok since maganda rin yung view doon. Isama natin yung kapatid mo, or even your mom and si lola, kung pumayag sila." sabi ko.

Aside from swimming, I also wanted to try having a picnic. Hindi ko pa kasi nararanasan 'yon. And I'll be happy to experience it for the first time with him.

Pagkaalis namin sa store na pinagbilhan namin ng swimsuit ko ay naglakad-lakad muna kami ni Ethan sa loob ng mall. He volunteered again to carry the paper bag. Hindi ako tumututol sa ganon dahil alam kong ipipilit niya na siya nalang ang magbitbit.

Habang naglalakad kami, pasimple akong humawak sa braso niya kaya napatingin siya sa akin.

"Can I?" I asked.

I smiled when he nodded. Parang naging habit ko na kasi yung humahawak ako sa braso niya tuwing naglalakad kami nang magkasama. I don't know why but I love the feeling of clinging on to his arm. I really feel comfortable kapag ginagawa ko iyon.

We continued to stroll around. We also talk about some random stuffs while we walk. Ang simple kung iisipin. Pero knowing na siya ang kasama ko, ibang klase ng saya ang nararamdaman ko ngayon. He's not even doing anything. But just being with him makes my heart happy.

I also take random photos of us on my phone. May mga selfie na kami together, pero araw-araw, nagagawan kong kuhanan siya ng litrato palihim. I have many stolen shots of him. Meron habang nagluluto siya, kumakain, nagdidilig, o kung ano pang ginagawa niya.

We went to a restaurant to eat. Everything is on me but I don't mind.

I requested Ethan if we can take pictures again and I'm glad he agreed. Pagkatapos ay kinuha niya ang phone ko pagkatapos naming mag-selfie together para raw ako naman ang kuhanan niya ng solong litrato. I gladly made poses for him while smiling widely.

"Pinopost mo ba yung mga pictures?" he suddenly asked while we're eating.

"Hindi." saad ko. Siya kasi ang iniisip ko. We're already friends on facebook at kung tutuusin pwedeng-pwede ko ipost ang mga pictures namin pero hindi ko ginagawa dahil baka ayaw niya. Pansin ko kasi na wala siya masyadong posts sa account niya. "Pero ikaw, okay lang ba sa'yo na ipost ko pictures natin tas itatag kita?" tanong ko sa kaniya pabalik.

"Okay lang naman." he casually said.

I just nodded in response.

Pinag-isipan ko iyon habang kumakain kami. Should I post our pictures together? Hindi sa ayaw kong may isipin ang mga taong makakakita no'n sa amin. Pero parang gusto ko kasing itago lang iyon.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon