"Anne, we're here."
Nabalik ako sa ulirat nang tapikin ako ni Mommy sa balikat nang dalawang beses. We were inside our car. Sinundo kami ng driver kanina sa airport.
"Parang wala ka sa sarili. Are you okay? Aren't you happy that you're back?" Mom asked me.
"I'm just tired." I said.
Tumingin ako sa labas at sobrang pamilyar na ng paligid. Nandito na kami sa subdivision, nakatigil na kami sa tapat ng bahay namin.
Naunang bumaba si Mommy at siya na rin ang nagdala ng isa kong bag. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Pagpasok sa bahay ay sumalubong sa amin si Manang. Napangiti ito nang makita ako kaya ngumiti rin ako nang maliit pabalik.
"Akin na gamit mo, 'nak." saad niya at kinuha sa akin yung bag ko. I thanked her in response.
"Anne!"
Nagulat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. I'm shocked to see my friend, Xandra, here in our house.
Pagkatapos nitong bumeso kay Mommy para bumati ay agad itong lumapit sa akin at yumakap. "Welcome back! Namiss ka namin." sabi niya sa akin.
"W-Wait," I uttered. Masyadong mahigpit yung pagkakayakap niya sakin kaya naman dahan-dahan akong bumitaw. "Masyado mo naman akong namiss. What are you doing here? Alam mong ngayon ako darating?" I asked her.
Xandra nodded and talked. "Nagkita kami ni Tita Marian kahapon and I asked her when are you coming home. And it happens na susunduin ka rin pala niya at sinabing ngayon ka na uuwi kaya nandito ako. How are you? How's the province?" sunod-sunod niyang sambit.
Bumuntong hininga ako bago naupo sa couch.
"The province is better than I expected." I said.
"Magkwento ka naman. Ano? Should I call them and tell them you're here? Ano, labas tayo tonight?" pag-aaya niya.
Umiling ako bilang sagot. "I'm tired, Xandra. Maybe next time?" sambit ko tsaka tumingin sa kaniya.
Mukhang nagulat siya dahil tumanggi ako. She's probably thinking that I'll immediately agree to have a good time with them right now that I just came back but no, I can't do that right now.
"Are you sure?" she asked.
I nodded at her before standing up.
"Pagod ako, Xandra. Antok din. I'll just call on our groupchat kung okay na 'ko." sabi ko sa kaniya. Kinuha ko naman ang kamay niya tsaka siya nginitian. "Thank you for welcoming me back. Namiss kita, namiss ko rin kayo." sabi ko sa kaniya bago ako pumanhik sa taas.
I just don't have the strength to deal with people, even to my friends. Masyado akong pagod. I'm not at myself right now so I prefer to be alone and take a rest.
Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama. I finally felt the soft mattress on my back. I stared at the ceiling and feel the peace in my room.
Sobrang bigat ng paghinga ko. I'm home now. Physically, I am home, I'm at our house already. Pero yung puso at isip ko, nasa probinsya pa rin. Hindi ko inakalang magkakaganito ako ngayon.
Nakatulog nalang ako nang hindi ko namamalayan. Gabi na nang magising ako at dinalhan ako ni manang ng pagkain sa kwarto ko. I placed my food on the side table and decided to get my phone. Binuksan ko iyon dahil naka-power off iyon magmula nung umalis kami.
Messages and notifications continously popped up on my screen afterwards. Hinayaan ko na muna iyon. Nilapag ko na muna ang cellphone ko tsaka kumain na muna. May pagkakataong inililibot ko ang tingin ko sa sarili kong kwarto dahil namiss ko rin 'to.
BINABASA MO ANG
When We Met
General FictionArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...