"Hala, kuya! Para kayong mag-jowa ni ate Arianne dito!"
Napatingin ako kay Nene nang tumabi siya sa kuya Ethan niya at ipinakita yung litrato namin na nasa cellphone ko. Sinilip ko na rin kung anong picture ba 'yon. Iyon yung kinuha niya saming litrato kani-kanina lang, nakahiga ako sa picnic blanket habang ang ulo ko naman ay nakaunan sa hita ni Ethan. He's even caressing my hair there.
"Bagay kayo..." I heard his sister told him.
Napangiti nalang ako. If she only knew...
Wala naman kasi kaming pinagsabihan ni Ethan sa kung anong namamagitan sa aming dalawa. It's still between the two of us.
Ngayon, nandito ulit kami sa may bundok. Inaya ko sila magpicnic, kaming tatlo lang ang nandito since ayaw din sumama ni lola.
"Ate, ito na po yung phone mo. Thank you, mauuna na po akong umuwi."
"Why? Ang aga pa." saad ko kay Nene.
She just smiled and stood up. "May gagawin pa po ako." sabi niya kaya tumango nalang ako. "Kuya, alis na 'ko." paalam naman niya sa kuya niya.
Ethan nodded, "Mag-ingat ka. Uwi ka agad sa bahay." sabi nito.
Nene nodded and waved her hand at us. Ngumiti nalang ako at kumaway pabalik nang umalis na siya.
Ethan and I were left here. He suddenly placed his hand on my thigh and gently squeeze it.
"I'll try to call my parents. Kumain ka nalang muna diyan." sabi ko sa kaniya.
May mga dala naman kasi kaming chips at iba pang pagkain pagpunta rito. He didn't say a thing and just nodded.
I tried calling Dad but he's not picking up. Tatlong beses kong sinubukan pero nagriring lang iyon. Kaya naman si Mommy na ang sunod kong tinawagan. Akala ko hindi rin sasagot dahil ring lang iyon nang ring, nagulat nalang ako nang sinagot niya iyon.
"Hello, Anne? May kailangan ka ba?"
Napahinto ako saglit para pakinggan siya. Nakakamiss din pala boses niya kahit last na usap namin, puro sermon ang narinig ko sa kaniya.
"Arianne?"
"Uh, sorry. Ano, wala akong kailangan." sabi ko. Hindi naman kasi ako tumawag dahil may kailangan ako. Naalala ko kasi yung sinabi ni lola last time na kausapin ko rin sila.
"Hmm, bakit ngayon ka nalang pala tumawag. Are you avoiding us?" she asked.
"No," I said. Bakit ko naman sila iiwasan? Nandito na nga ako sa malayo, iiwasan ko pa sila? "Wala lang signal sa bahay ni lola that's why I barely contact you." I told her.
"Mabuti kinakaya mo yung walang signal? Knowing you... Alam kong hindi ka makakatiis sa ganyan."
"I just did." I said. I don't know why pero pakiramdam ko parang nang-aasar pa siya base sa boses at paraan ng pananalita niya. "I can have the signal if I want to, just like now. Nakatawag nga ako sa'yo eh. But you know, Mom, in my case now, I just prefer to stay at home." sabi ko.
Napatingin ako saglit kay Ethan nang maramdamam ko na tinititigan niya ako. He's just quietly sitting beside me, listening.
"Whatever." Mom uttered on the other line. "If you need anything, magsabi ka nalang, tumawag ka nalang ulit. May ginagawa ako ngayon. May sasabihin ka pa?"
Napailing ako. "W-Wala..." saad ko.
"Hmm, okay, bye. Ingat kayo ng lola mo dyan." sabi niya bago binaba ang tawag.
My phone slipped on my hand. Agad naman iyon kinuha ni Ethan nang mahulog iyon sa may binti ko.
"Okay ka lang? Kamusta mga magulang mo?" tanong niya tsaka ibinalik sa akin ang cellphone.
BINABASA MO ANG
When We Met
General FictionArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...