"Talaga 'yang batang 'yan, uminom pala kahapon nung umalis ako. Kaya siguro hindi rin sumabay sa akin nung dinner na kasi baka mapansin kong lasing siya."
Hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko pero narinig ko na ang sinabing iyon ni lola.
"Hayaan niyo, la. Sa susunod na magogrocery 'to hindi ko na papayagan na bumili ng beer o ng kung anong alak pa."
It's Ethan. Nandito sila ni lola sa kwarto ko. Teka, bakit sila nandito? Anong oras na ba? Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko dahil makikita nilang gising na ako.
"Okay lang naman sana na uminom siya minsan pero wag lang sanang sobra-sobra. Tignan mo oh, magtatanghali na tulog pa rin."
Narinig kong may inilapag sa side table ko at sa pagkakarinig ko, parang pagkain iyon dahil sa tunog ng plato at ng kubyertos.
"Iwan na kita rito, ha? Kapag hindi pa nagising 'yan, hayaan mo nalang muna siguro para makabawi ng tulog. Baka nagpuyat pa 'yan kakanood ng movie." I heard lola said.
"Sige po," ani naman ni Ethan.
Naghintay ako ng ilang sandali. Narinig ko ang mga hakbang ng paa ni lola paalis at ang pagsara ng pinto. There I already opened my eyes and immediately get up.
"Oh, hindi na pala kita kailangan gisingin." sabi ni Ethan nang makitang gising at bumangon na ako.
"Anong oras na?" tanong ko sa kaniya.
"Mag-aalas diyes," sagot niya na ikinagulat ko. "Nagpadala na si lola rito ng pagkain tsaka gamot kung sakali raw na masakit ulo mo." sabi niya.
I nodded and thanked him. Hindi naman masakit ang ulo ko. Bumangon nalang muna ako para magbanyo.
Habang naghihilamos ay naalala ko yung nangyari kagabi. Napaamin lang naman ako... I admit, medyo lumuwag ang pakiramdam ko dahil wala na akong tinatagong nararamdaman pero nag-aalala pa rin ako. Tapos ngayon nandito pa si Ethan sa loob ng kwarto ko dinalhan pa rin ako ng pagkain. Isn't he awkward about it? Tsaka, sinabi ko naman nang bawas-bawasan na niya yung acts of service niya pero narito pa rin siya.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong inaayos ni Ethan yung pinaghigaan ko na ikinagulat ko.
"Hey, you don't have to do that. Ako na niyan mamaya, aayusin ko 'yan." sabi ko sa kaniya bago naupo sa upuan.
Sobra-sobra na talaga ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya lahat ng 'to eh hindi naman kailangan.
"Tawagin mo nalang ako kung tapos ka nang kumain. Kukunin ko nalang 'yan mamaya."
Hindi na ako nagsalita nang umalis na siya ng kwarto ko. Ang cool niya rin eh, noh? Parang wala lang sa kaniya yung ginawa ko kagabi. O baka naman manhid lang.
Iwinaksi ko nalang iyon sa isip ko at kumain nalang. Kaunti lang yung kinain ko kagabi kaya naubos ko ang pagkain ko ngayon. Pati na yung gatas ay inubos ko rin bago ako lumabas ng kwarto para ibaba ang pinagkainan ko at para hugasan iyon.
I'm just about to go downstairs when I heard voices talking.
"Birthday kasi nung kakilala ko na sa kabilang bayan nakatira. Nagkita kami kahapon tapos inimbitahan akong pumunta. Samahan mo na 'ko, please?"
Boses iyon ni Trina kung hindi ako nagkakamali. Nandito na naman siya? Palagi nalang ah.
"Hindi talaga ako pwede, Trina. May mga gagawin pa 'ko rito." rinig kong sabi ni Ethan.
"Ethan naman eh, palagi ka nalang tumatanggi."
Hindi muna ako bumababa at nakinig na muna. Hihintayin ko nalang na umalis ang babaeng 'yon.

BINABASA MO ANG
When We Met
Narrativa generaleArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...