Chapter 12

113 4 0
                                        

"Kaya mo naman pala magpahid niyan sa sarili mo. Bakit si Ethan pa ang pinagawa mo niyan kanina? Inaakit mo ba siya?"

Napaangat ang tingin ko sa taong lumapit at nagsalita sa harap ko. It's Trina, seriously looking at me.

"Excuse me? Ano bang sinasabi mo? Hindi ko inaakit si Ethan." sabi ko sa kaniya at itinigil ang pagpapahid ng ointment sa hita ko.

"Hindi inaakit? Talaga lang ha? Eh panay suot mo ng mga maiikling shorts kapag kasama mo siya. Kaya ka nahihigad eh."

My brows furrowed as I stand up in front of her. What is she up to? Nananahimik ako rito sa sala.

I looked down on her a bit dahil mas matangkad ako ng kaunti sa kaniya. I stared at her before smirking a little.

She's testing my attitude, huh.

"Hindi ka pa ba nakakasuot ng ganito kaikling shorts? Gusto mo bilhan kita?" pang-aasar ko sa kaniya. "You know, Trina. Concerned lang sa akin si Ethan. Siya kasi kasama ko kahapon nung nahigad ako. And do you know what he did? Inuwi niya agad ako rito para asikasuhin at alagaan. It's not even his responsibility but he just did it since he cares for me."  I said.

I know she likes Ethan. But unfortunately for her, hindi siya gusto ni Ethan. Hindi sila parehas ng nararamdaman sa isa't isa.

Pero hindi ko naman aakalain na magseselos siya sa nakita niya kaninang umaga na pinapahiran ako ng ointment ni Ethan. Hindi ko akalaing malakas siya magselos kahit na wala namang sila, kahit na wala siyang karapatan.

Nakita ko kung paano sumama ang titig ni Trina sa akin kaya napailing nalang ako habang nakangisi. Hindi ako mag-aaksaya ng oras para makipagtalo sa kaniya dahil hindi naman siya importante.

"Anyway, kung nabigay mo na yung dala mo kanina na ibibigay mo kay Ethan, pwedeng-pwede ka nang umalis dito sa bahay ng lola ko." I said before smiling at her.

Aalis na sana ako sa harapan niya at aakyat na sa hagdan pero nahagip ng mata ko si Ethan na nakatingin pala sa aming dalawa ng kaibigan niya.

Wala sana akong balak na pansinin siya dahil magmula kaninang umaga ay hindi pa kami nagkikibuan pero nang magsalita siya ay napahinto ako at napatitig sa kaniya.

"Bakit mo pinapaalis si Trina, Arianne?" saad niya, nagtataka pero seryoso pa rin ang mukha.

Ibinuka ko ang bibig ko para magpaliwanag pero nagpalipat-lipat sa kaniya at kay Trina ang tingin ko nang lumapit siya rito sa amin.

"Anong sinabi niya sa'yo?" he asked his bestfriend.

Nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ng tinatawag niyang kaibigan. Kung kanina ang sama ng titig niya sakin, ngayon ay parang naging maamong tuta na lang siya sa harap ni Ethan.

"W-Wala. P-Pinapaalis niya lang agad ako kahit sinabi ko na hinihintay pa kita kasi gusto pa kitang makausap." mahina at parang nagpapaawa pa nitong sambit.

"Arianne?" Ethan uttered my name in disbelief as he looked at me.

"Pero sige, aalis nalang ako... N-Nakakahiya naman kasi sa kaniya..." Trina said and looked down a bit.

Tinignan naman siya ni Ethan tsaka hinawakan sa palapulsuhan. "Tara na, ihahatid na kita sa labas," aniya at akmang lalabas na sila pero tumigil si Ethan at bumaling sa akin. "Hintayin mo 'ko rito. Mag-usap tayo." saad niya tsaka agad na tumalikod. Lumabas na rin siya para ihatid sa labas ng gate si Trina.

Napahawak naman ako sa kaliwang dibdib ko nang pakiramdam ko'y parang nanikip at kumirot iyon.

Hindi nagtagal ay bumalik din agad si Ethan at seryoso akong nilapitan.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon