Chapter 27

160 4 0
                                        

"Kuya!" napalingon ako nang tinawag ako ni Nene. Pinuntahan niya ako rito sa bahay ni lola. "Si ate Arianne?" tanong niya.

Naramdaman ko ang kirot sa puso ko nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ni Arianne.

"Bakit?" tanong ko.

Tsaka ko napansin yung hikaw na suot niya nang ipakita niya iyon. Iyon yung niregalo sa kaniya ni Arianne. "Magtethank you lang ulit ako rito." sabi niya habang nakangiti.

Inilingan ko nalang siya nang bahagya bago ako umiwas ng tingin.

"Wala na, umalis na. Sinundo na raw siya ng mommy niya. Umuwi na sila." sabi ko sa kaniya.

"H-Ha?"

Bakas ang pagkagulat sa boses ni Neisha. Well, sino namang hindi magugulat, diba? Kahapon magkakasama lang kami, ang sasaya pa namin, tapos ngayon biglang wala na.

Marami pa kaming hindi napag-uusapan ni Arianne tungkol sa relasyon namin. Ni hindi nga namin napag-usapan yung magiging sitwasyon namin kapag umuwi na siya.

Sobrang tahimik bigla ng bahay para sa akin. Walang Arianne na nangungulit o dumadaldal sa akin. Nasanay na ako masyado sa presensya niya. Ngayon parang hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Saktong bumaba si lola kaya nagkasalubong kami sa sala. Pupuntahan ko rin sana siya dahil magpapaalam akong lalabas saglit.

"La, lalabas lang po ako saglit. Babalik din po ako agad." sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya. Pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko tsaka tumingin sakin na parang nakikiusap.

"Pwede bang mag-usap muna tayo, hijo? May pinapasabi kasi si Arianne. We talked last night and she wanted to say somthing to you." sabi niya sa akin.

Wala sa sarili akong agad na napatango. Gusto kong malaman kung ano 'yon.

"Mahal na mahal ka ng apo ko, Ethan. I hope you don't question that ngayong umalis siya nang hindi nakapagpaalam sa'yo." sabi ni lola habang nakaupo kami pareho sa sofa. Tahimik lang din naman akong nakikinig sa kaniya. "Anne was crying last night. Pinuntahan niya ako sa kwarto ko, umiyak siya. She's worried for us, lalong-lalo na sa'yo. I know you are both hurting right now. Alam ko kung gaano niyo ka-mahal ang isa't isa kaya masakit din iyon para sa akin dahil pareho kayong mahalaga sakin." sabi pa niya.

Hindi ko mapigilang isipin si Arianne. Tama si lola, pareho lang kaming nasasaktan ngayon. At hindi magandang isipin na ako lang yung nasasaktan dahil ako ang naiwan.

"She's very thankful to meet someone like you. She's thankful to have you in her life. Sa lahat lahat, nagpapasalamat siya sa'yo, Ethan."

Hanggang sa pag-alis niya pala, ako pa rin ang iniisip niya. Tangina, miss ko na agad siya. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap...

"Sinabi rin niya sakin yung kagustuhan mong bumalik sa pag-aaral. Arianne is rooting for you. Ang sabi niya, kapag isang araw nagpaalam ka sakin na mag-aaral ka ulit kapag nakahanap ka ng scholarship, hayaan daw kita. Gusto niyang maabot mo ang pangarap mo. That's how she loves you, hijo. She want a good future for you."

Tumango ako sa sinabi ni lola.

Sa sinabing iyon ni lola, nabawasan nang kaunti yung bigat na nararamdaman ko. Ngayon gusto ko lang talaga muna makausap si Arianne.

Pumunta ako sa may bundok para makasagap ng signal. I messaged her multiple times. Habang naghihintay sa reply niya ay tsaka ko napagtanto na ngayon nalang ulit ako pumunta rito nang ako lang mag-isa. Kasi sa nagdaang buwan at mga linggo, palaging magkasama kami ni Arianne.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon