Chapter 2

126 5 2
                                    

I was staring at the ceiling of the room. Sobrang tahimik. Alam kong umaga na. Pagtingin ko sa oras sa cellphone ko kani-kanina lang ay nakita kong seven o'clock na ng umaga.

Umalis na si Daddy kanina pa. I heard him. Siguro ay mga alas singko siya umalis. I didn't bother to say goodbye to him dahil mabigat pa rin ang loob ko sa pag-uusap namin kagabi.

I stayed awake the whole night. Umiyak ako pagkatapos naming mag-usap, at pagkatapos ko namang kumalma ay napagpasyahan kong ayusin ang mga gamit ko. Yung mga damit ko, nilagay ko sa cabinet.

Last night was the hardest night for me. I wasn't able to talk to my friends because I can't reach them because there's no signal here. Signal nalang sana, kaso wala pa.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa maliit na banyo rito sa loob ng kwarto. This is still smaller compared to my room at our house. Naghilamos nalang ako bago ako lumabas ng kwarto at bumaba.

"Magandang umaga, hija. Bilin ng Lola mo kanina kumain ka nalang daw ng agahan tsaka wag kang mahihiyang magsabi sa amin kung may kailangan ka,"

Pagbaba ko ay may naglilinis sa sala.

Namukhaan ko siya dahil narito siya kahapon. Katulong siya rito sa bahay ni Lola Francia.

I didn't bother talking nor greeting her back. Maliit ko nalang siyang tinanguan bago nilampasan.

I went to the dining area dahil nagugutom na ako. Nakita kong may sinangag, itlog, hotdog, at tuyo na nakahanda sa lamesa. Napalanghap ako nang maamoy ko ang masarap na amoy ng sinangag. Kaya naman natakam ako at agad kumuha ng plato.

Sumandok ako ng fried rice at nilagay iyon sa plato ko. I also get two hotdogs and one sunny side up egg. I looked for a ketchup, mabuti nalang meron kaya naglagay na rin ako.

Ako lang mag-isa ang kumain. Nasa labas ata sila Lola. And I'm sure nauna na rin iyon mag-almusal dahil nakita kong nabawasan na yung sinangag na nakalagay sa malalim na mangkok.

"Manang!" tawag ko sa katulong.

"Ma'am!" ani nito tsaka agad akong pinuntahan.

"May gatas ba kayo rito? Patimpla naman," saad ko.

"Ay, titignan ko kung meron pa," aniya at binuksan yung cabinet na tingin ko laman ng mga stock ng grocery dito ni Lola.

Habang kumakain ako ay tinitignan ko lang yung katulong habang naghahanap siya ng gatas.

Alam kong minsan palainom ako ng alak pero minsan ay umiinom pa rin ako ng gatas. Hindi puro alcohol ang iniinom ko, noh.

"Teka, tatanungin ko lang si ano,"

Napailing nalang ako nang umalis saglit yung katulong. "Kung wala wag na," pahabol ko nalang bago ipinagpatuloy ang pagkain ko.

I'm chewing on my food when I suddenly heard a man's voice coming near. Tapos ay narinig ko rin ang boses ng katulong.

"Wala nang gatas eh. Sino ba iinom? Si Lola?" I heard the voice of a man said kaya hindi ko napigilang lumingon.

Mula sa likod, siguro galing sa bakuran nitong bahay, nakita kong may kasama nang lalaki yung katulong na tinawag ko kanina. I stopped eating and looked at the unfamiliar man.

Moreno, matangkad ng kaunti sa akin, may katangusan ang ilong. Nakasuot lang siya ng puting sleeveless na damit, mukhang ginupit lang ang manggas ng isang t-shirt. Dahil doon ay kapansin-pansin ang biceps niya at ang broad shoulders niya.

That sight of the man suddenly made me almost breathless.

I suddenly remembered my friends. If they are here with me, alam kong impit na ang mga kilig na nararamdaman no'n.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon