Chapter 9

106 7 0
                                        

Sabi ni lola, everytime Ethan would spend a day with Trina, bumabalik naman daw agad siya ng hapon, o bago gumabi. Ginagawa niya pa rin yung gawain niya rito kahit na ibinibigay na ni lola sa kaniya ang buong araw para lumabas o magpahinga nalang.

But I waited for a few hours already and now lola and I just had our dinner, walang Ethan na umuwi. I guess he enjoyed his time with his friend. Malamang kumain din sila sa labas, naglakad-lakad, pumunta sa kung saan nila gusto.

I can imagine Trina simply holding his hands while they are walking. I can imagine her holding on to his arm while they walk, just like what I always do to him. Kapag sumakay sila sa tricycle, malamang inaamoy din niya yung mabangong amoy ni Ethan. Or maybe she could do more than that?

I unconsciously turned my hand into fist that I forgot I was holding a can of beer on my hand. Kaya nang tignan ko yung lata ay nalukot na iyon nang bahagya.

I'm here in my room drinking some beer. Successful ko naman 'tong natatago kay lola, mabuti nalang din at hindi siya masyado nagbubukas ng ref.

Ngayon lang ako uminom dito. It's been a while since I last tasted a drink like this.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko and it's nine-thirty in the evening already. Napapikit ako sandali bago pinatay ang phone.

"Sleep now, Ari..." I whispered to myself.

Ari... Ethan called me that. He's the first person to call me that way and I like it very much. Kaya mula ngayon, siya lang ang pwedeng tumawag sakin no'n. I won't let other people call me that except for him.

I opened my eyes and get the another can of beer. Lima yung binili ko nung nag-grocery kami pero isa pa lang ang naiinom ko, pangalawa itong binuksan ko.

Hinayaan kong gumuhit ang lasa no'n sa lalamunan ko. I missed it.

Inubos ko lang yung laman ng dalawang can ng beer bago ako natulog. I don't know what time did I slept. I just woke up the next day feeling a bit heavy. Pakiramdam ko'y ayaw kong bumangon sa higaan at gusto ko lang na matulog.

I checked the time on my phone and it's already eight thirty in the morning. Ngayon lang ako na-late ng gising dito. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa no'n si Ethan na may dala-dalang tray na may pagkain at tubig.

"Buti naman gising ka na." seryosong sabi niya tsaka isinara ulit yung pinto dahil nga naka-aircon 'tong kwarto ko.

Dahan-dahan akong bumangon at naupo sa kama habang nakatingin sa kaniya na inilapag sa side table yung dala niya.

"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kaniya. "Ikaw ha, pinapasok mo na 'ko..." "rito sa kwarto."

I saw him half smirked before he look at me.

"Tatanungin ko sana kung lasing ka pa pero naalala ko na kahit hindi naman lasing ay bumabanat ka na ng ganyan." sabi niya. "Uminom ka... Dalawang lata pa." saad niya nang sulyapan yung mga lata sa side table ko. "Bakit?" he asked.

"Anong bakit?" taka kong tanong. "Bakit ako uminom? Wala lang. Umiinom naman talaga ako. Kailangan ba ng rason para uminom?" saad ko.

Tinitigan niya ako pero maya-maya ay napailing nalang.

"Nahuli ka na ni lola, nakita 'yan kanina. Bakit kasi hindi mo nalang agad tinapon yang lata pagkaubos mo? Nag-iiwan ka ng ebidensya eh," aniya.

"What?" nagulat naman ako't nag-alala. "Does she got mad?" I asked him.

"Mabuti nalang hindi." sabi niya kaya napahinga naman ako nang maluwag. "Kumain ka na nga. May kailangan ka pa ba? Gamot?"

Umiling ako. "Okay lang, I can handle this myself." I told him.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon