Nakapangalumbaba ako sa side table habang nakatitig sa screen ng laptop ko. A movie is playing pero alam ko sa sarili ko na wala ang focus ko roon.
I closed my eyes hard when I heard another knock on my door again.
"Lola, bababa nalang nga po ako mamaya. Hindi pa po ako gutom." saad ko dahil alam kong si lola lang iyon.
Pangatlong beses na niya akong kinakatok at sinasabihan na kumain pero ayoko pa. Wala akong gana. Busog pa ako.
"Si Ethan to,"
I gulped. Ano pa bang ginagawa niya rito? Alas otso y medya na ng gabi at madalas ay umuuwi na siya ng ganitong oras.
I heard the door opened kaya napatingin ako roon.
"Who told you to come in? Paano kung nakahubad ako rito at basta ka nalang pumasok? Edi makikita mo na lahat?" ani ko.
He didn't react to what I said. Lumapit lang siya sa akin at iginilid yung dalawang lata ng beer na iniinom ko kanina. He replaced it with the food he brought.
"Ba't ka naman maghuhubad? May ginagawa ka ba?" saad niya habang nilalagay yung pagkain sa side table. Kinuha niya pa ang laptop ko at inilagay iyon sa kama para magkasya yung dala niya. "Kumain ka na." saad niya tsaka tumingin sa akin.
"I'm not hungry." I said and avoided my gaze at him.
I heard him sighed. "Paano ka nga naman gugutumin eh puro chichirya ang kinakain mo kanina pa, at uminom ka pa ng beer." saad niya. Is he scolding me? "Dali na. Kumain ka nalang kahit kaunti. O baka gusto mong subuan pa kita para kumain ka lang?"
Napangisi ako nang may kalokohan na namang pumasok sa isip ko.
Bahagya ko siyang tiningala dahil matangkad siya at nakatayo pa siya sa tabi ko.
"Iba nalang ang isubo mo sakin, kakainin ko." saad ko. Bumaba ang tingin ko sa kaniya pero parang tulog naman ang kaibigan niyang nakatago kaya ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa maamo niyang mukha.
He's just looking at me seriously. Hindi ko alam kung natutuwa o naiinis na naman ba siya sa sinabi ko pero wala na akong pakialam. Later on he breathed harshly before shaking his head a bit.
He get my utensils and put some food on my spoon. Napaamang nalang ako nang itapat niya ang kutsara sa bibig ko. Aba, susubuan nga ako.
"Eat it," he said.
Napalunok naman ako bago sinunod ang gusto niya. Wala akong ibang nagawa kundi ang kainin ang pagkaing isinubo niya sa akin.
I slowly chewed my food and avoided my gaze at him. Pansin ko na naupo nalang siya sa gilid ng kama ko habang ramdam ko ang titig niya sakin.
Maya-maya ay kusa ko nalang na kinuha yung kutsara't tinidor para kumain. Balak niya atang bantayan ako para lang masiguro na kakain ako eh. Wala mang gana ay pinilit ko nalang ang sarili ko na lunukin ang pagkain. Pero ilang subo lang ang kinaya ko dahil busog at wala talaga akong gana kaya huminto na 'ko.
"Ayoko na," saad ko.
Bumuntong hininga si Ethan. "Okay lang. Okay na 'yan kaysa naman hindi ka kumain." sabi niya.
Akala ko kukunin na niya ang pinagkainan ko at lalabas na siya pero nanatili lang siyang nakaupo sa kama ko habang nakatingin sa akin. Medyo naiilang na tuloy ako. Pag ako hindi nakapagpigil baka masunggaban ko nalang siya bigla.
"A-Ano pang ginagawa mo rito?" mahina kong tanong sa kaniya nang hindi pa siya umaalis.
"Pinapaalis mo na 'ko?" aniya. Umiling naman ako bilang sagot. "Yung mga sinabi mo kanina, totoo ba 'yon?"
BINABASA MO ANG
When We Met
Fiksi UmumArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...
