Chapter 25

100 4 0
                                    

ETHAN's POV

"Congrats. May medal ka na naman."

Bahagya kong ginulo ang buhok ni Neisha kaya agad niyang iniwas ang ulo niya sa akin.

"Kuya, magugulo buhok ko." reklamo niya tsaka agad na lumapit kay nanay na para bang magsusumbong.

"Nak, 'wag mo namang asarin 'tong kapatid mo. Bigay mo na 'tong araw na 'to sa kaniya. Ipagpabukas mo na yung pang-aasar mo."

Napangisi nalang ako sa sinabi ni nanay, pati na nang makita ko ang itsura ng kapatid ko.

Kakatapos lang ng moving up niya. Tapos na siya ng Grade 10, Senior High na siya sa pasukan. She's growing up, dalaga na.

"Tara na, kayong dalawa. Habang marami pang tricycle sa labas." ani nanay tsaka inaya na kaming umuwi.

Naglakad naman na kami palabas ng maliit na gymnasium na ginanapan ng moving up ceremony nila Nene. Imbis na maghanap na ng tricycle na masasakyan ay pinigilan ko na muna si nanay.

"Mamaya na tayo umuwi, 'nay. Kain muna tayo." sabi ko.

Nagtataka niya naman akong tinignan. "Ha? May pagkain naman sa bahay, ah?" saad niya.

Bahagya akong bumuntong hininga bago tumingin sa kapatid ko. "Kain tayo sa labas. Treat ko." sabi ko sa kanila.

"May pera ka pa?" tanong ni nanay.

Tumango ako sa kaniya. "May extra pa naman ako. Tara na," sabi ko sa kanila.

Wala akong narinig mula kay Neisha. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip nila, na dapat itabi ko nalang 'tong hawak kong pera para sa sarili ko o kaya naman sa mas importanteng bagay nalang ilaan pero okay lang. Minsan lang naman 'to. Minsan lang kaming kumain sa labas. At deserve rin naman ng kapatid ko na mailibre ngayon. She always do well in academics kaya kahit sa paraang 'to man lang, marewardan ko siya kahit papaano.

Kumain kami sa isang fastfood chain. Magkakasama kaming tatlo kumain at masaya akong makita ang tuwa sa mga mata ng nanay at ng kapatid ko.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam si nanay na pupunta lang siya sa restroom kaya kaming dalawa ni Neisha ang naiwan sa table. Magkatabi kami at sa harap namin naupo si nanay. Maya-maya ay naramdaman kong kinalabit niya ako kaya napatingin ako sa kaniya.

"Thank you, kuya. The best ka talaga." she said while smiling.

Tumango lang ako. Tapos ay biniro ko na naman siya. "Nambola ka pa. Nilibre ka na nga oh." saad ko.

Inirapan niya ako kaya mahina nalang akong natawa. Tataray na naman ang dalaginding.

"Totoo nga. Para namang ewan." saad niya.

Kahit na may pagkataong inaasar ko siya, alam ko naman kung paano umappreciate sa mga bagay-bagay, lalo na ng mga sinasabi niya. Hindi kami pinalaking sinungaling kaya alam kong sincere lahat ng mga sinasabi namin sa isa't isa kahit na minsan ay dinadaan nalang sa biro o pang-aasar.

Buong araw ay kasama ko lang ang pamilya ko. Usually palagi akong nasa kabilang bahay dahil boy ako ni lola Francia, ako na rin madalas ang kasama niya sa bahay dahil wala naman siyang ibang nakakasamang kamag-anak ko ano. Ang kwento niya, nasa Maynila yung anak at apo niya. Matagal na raw simula nung huling punta ng pamilya ng anak niya rito sa probinsya. At alam kong wala pa ako no'n dito sa probinsya. Dati na rin kasi kaming tumira sa Maynila nang ilang taon pero napagdesisyunan ni nanay na umuwi na kami rito at dito nalang tumira.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon