Chapter 7

129 7 0
                                        

Agad kong tinapos ang paglilinis dito sa kwarto ko. Aalis kasi ako ngayon, aalis kami ni Ethan. Ngayon kasi kami pupunta sa bayan para mag-grocery. Pansin ko rin kasing paubos na yung stocks dito sa bahay kaya ngayon ko na napagpasyahan na mamili na para wala nang aalalahanin si lola.

Kumuha na ako ng damit na susuotin tsaka nilagay na iyon sa kama. Maliligo lang ako and after that, we will go. Nasabihan ko naman na siya kanina after breakfast na ngayon kami aalis.

I get my towel and went to the bathroom here in my room. I immediately took off all my clothes. I turned on the faucet para malagyan na ng tubig yung timba since walang shower dito. Napatigil ako nang walang lumabas na tubig doon. I stared at it and waited for a few seconds, but still, ni isang patak walang lumalabas!

Shit, don't tell me walang tubig?!

Kinuha ko ang twalya at ibinalot iyon sa katawan ko bago lumabas ng kwarto ko. Pupunta na sana ako sa kwarto ni lola pero nakita kong nakasara ang pinto kaya alam kong wala siya roon. I got no choice but to go down.

"Lola?" malakas kong tawag habang pababa ng hagdan. "Lola!" tawag ko ulit.

Wala siya sa sala kaya pumunta ako sa kusina pero nagulat ako nang makita roon si Ethan. Our eyes both got wide when we saw each other. But I saw his eyes moved from looking at me down to my chest kaya napatingin din naman ako roon. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtantong nakatapis lang pala ako ng tuwalya.

I cleared my throat and look at him. Nabalik naman siya sa ulirat bago napaiwas ng tingin.

"Si Lola?" I asked him.

"Lumabas... Teka, bakit ba bumaba ka rito nang naka-ganyan?" tanong niya habang hindi makatingin sa akin nang diretso.

"Walang tubig, Ethan." sabi ko sa kaniya. "Maliligo na sana ako pero late ko nalaman na walang tubig." sabi ko pa.

Hindi siya nagsalita. Tapos ay pumasok siya sa banyo rito sa may kusina kaya sumunod naman ako. Nakita kong binuksan niya ang gripo at nakita kong may tubig na lumabas doon.

"Dito ka nalang maligo, may tubig dito." sabi niya. He then excused himself kaya napagilid ako nang lumabas na siya sa banyo. "Minsan talaga walang tubig sa taas, kagaya ngayon, sabi mo."

Napatango nalang ako. This is a relief. Akala ko wala talagang tubig.

"Sige, salamat. Kukunin ko lang yung shampoo at sabon ko sa taas." sabi ko sa kaniya.

He nodded without looking at me.

Samantalang bumalik naman muna ako sa taas para kunin yung shampoo at sabon ko. At pagbalik ko sa ibaba ay naroon pa rin siya.

Pumasok na ako sa banyo at nilagay na roon yung gagamitin ko nang sulyapan ko si Ethan sa labas.

"Ethan," tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin. "Naligo ka na? Gusto mong sumabay?" natatawa kong tanong.

He pursed his lips before shaking his head. Bumuntong hininga pa nga.

Napailing nalang din ako tsaka sinarado na ang pinto. Nagbibiro lang eh. Pero kung gusto niya, why not? I'll leave the door open for him. Maliligo lang naman.

Gosh, is it bad to say that while I'm taking a shower eh si Ethan ang iniisip ko? Well, I'm not doing something inappropriate while thinking about him! Naiisip ko lang talaga yung maamo niyang mukha, yung features niya, basta.

Paglabas ko ng banyo nang matapos na akong maligo ay wala na si Ethan kaya agad na akong pumunta sa kwarto ko para magbihis. I just wear my brown skorts and as usual, a croptop. Nag-ayos din ako. I put some powder on my face and put some liptint for my lips. Sinuklay ko nalang din ang buhok ko at hinayaan iyong nakalugay. I also applied sunscreen on my skin dahil mainit sa labas bago ako nag-spray ng pabango ko. Kinuha ko na rin yung sling bag ko at nilagay doon ang wallet at cellphone ko.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon