Chapter 3

161 5 0
                                        

"So, ano nga po ang ginagawa ng Ethan na 'yon dito, Lola? Does he work for you? Ano pong trabaho niya rito?"

Kanina ko pa tinatanong si Lola about kay Ethan pero hindi ako nito sinasagot.

"Kanina ka pang tanong nang tanong, natitipuhan mo na ba siya, apo?" nagbibirong tanong sa akin pabalik ni Lola.

"It's not like that, Lola." I said and sat beside her. Nandito kami sa loob ng kwarto niya. Ang sabi niya magpapahinga raw siya saglit pero kasi hindi pa niya sinasagot yung tanong ko kaya kinukulit ko na muna siya. "Curious lang po ako sa kung sino siya. Parang close nga po kayo eh. Gusto niyo po ba siyang maging apo kaysa sa akin?" kunwari'y nagtatampo kong sambit.

"Apo naman na talaga ang turing ko sa batang iyon."

Napatitig ako kay Lola nang sabihin niya iyon. Is she serious? Pero wala rin naman akong karapatan magselos o mainggit dahil sa aming dalawa ng Ethan na 'yon, iyon palagi ang nakakasama ni Lola. Samantalang ako, hindi.

"But don't feel bad about it, Arianne." parang nabasa ni Lola ang nasa isip ko kaya nagsalita ulit siya. "Ethan is a good guy. Sa lahat ng binatang kilala ko sa lugar na 'to, walang makakapantay sa kabutihan niya. He knows what matters to him, and it is his family." she said. "Boy siya rito. Yung maliit na bahay na nakita mo na katabi natin, bahay nila 'yon. Hindi na siya at ang pamilya niya bago sa akin. Kamag-anak na ang turing ko sa kanila kaya kung may pinapabili ako sa kaniya sa bayan, parating meron para sa kanila." kwento niya.

Dahil doon ay napatikom na ang bibig ko.

So that was it... Parang ang green flag naman no'n na lalaki. Swerte siguro ng jowa no'n kung meron man. Mukha na ngang yummy, green flag pa.

I wish I'll have someone like him in my life...

Nakuha ko na ang sagot na kailangan ko kaya hinayaan ko na si Lola na magpahinga. Paglabas ko ng kwarto niya, imbis na pumasok ako sa kwarto ko ay bumaba nalang ako.

Ayoko kasing manatili lang sa kwarto. Wala naman akong libangan doon. Hindi ko magamit ang laptop at cellphone ko dahil walang signal.

Naupo ako sa hagdan, sa may ibaba. Bukas ang front door ng bahay at nakikita ko mula sa pwesto ko ang labas kaya napatulala nalang ako roon.

I'm so bored.

Napatingin ako sa may kusina nang mapansin kong may tao roon kaya napatayo ako. Naglakad ako papunta roon at nakita ko si Ethan na mukhang may hinahanap kaya agad akong napangiti.

"Anong ginagawa mo?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

Napatingin naman siya sa akin. "Magluluto."

Oh, see? Balik na siya sa isang tanong isang sagot. Isumbong ko kaya siya kay Lola na pakitang tao lang siya? Charot.

"Bakit ikaw ang magluluto? Bakit hindi yung ibang katulong dito? Teka, nasan na nga ba sila?" ani ko tsaka luminga sa paligid.

"Umalis na sila. Mamaya naman ata 'yon babalik kapag pinatawag sila ni Lola. Umuuwi rin kasi agad yung mga 'yon sa mga bahay nila kapag wala nang gagawin dito. Tsaka, pinapapunta lang talaga sila rito ni lola kapag maraming gagawin."

Wow, iyon na ata ang pinakamahaba niyang pagsasalita sa harap ko?

Hindi ko namalayan na nakangiti na naman pala ako habang nakatingin sa kaniya.

"Ako inutusang magluto ni Lola para mas masarap daw. Lalo na't nandito ka, gusto niya masasarap ang ipakain sa'yo."

"Ah, so masarap ka?" ngiti-ngiti kong tanong. Napatingin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. Pero nang mapagtanto ko yung mali sa sinabi ko ay muli akong nagsalita. "I mean, masarap kang magluto." I corrected.

Bahagya nalang itong napailing sa akin bago binuksan ang ref.

"Anong gusto mong ulamin mamayang tanghalian? Adobo o sinigang?" he asked and looked back at me to get an answer.

"Ikaw," saad ko.

"Ako?" taka niyang saad. "Ayusin mo nga mga sinasabi mo. Mamaya baka marinig ka ni Lola." pagsisita niya sakin na ikinatawa ko.

"Ikaw kasi tatanungin ko kung anong paborito ni lola." bawi ko.

"Adobo." sabi niya.

Tumango ako. "Edi ayun nalang, adobo." sabi ko pabalik sa kaniya.

Hindi na siya nagsalita at tumango nalang. Nakita kong kumuha siya ng manok sa ref at tsaka niya inilabas yung mga sangkap na kakailanganin niya.

Ako naman ay naupo nalang sa upuan at nanatili rito sa kusina kasama niya. Hindi ko naman siya guguluhin. Babantayan ko lang siya.

"Ethan, may girlfriend ka na?" hindi ko mapigilang tanong.

"Bakit gusto mong malaman?" tanong naman niya pabalik. Hindi siya nakatingin sakin dahil busy na siya.

"Baka kasi kapag nilandi kita, biglang may sumugod dito sa akin at sabunutan nalang ako bigla. Nakakahiya naman 'yon kay Lola. O kaya baka biglang may magpakulam sakin, oh gosh, I hope it won't happen. I love my life kahit medyo magulo." sabi ko sa kaniya.

"Hindi ako nakikipaglandian, Arianne."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko bigla. Kung madidismaya ba dahil hindi raw siya nakikipaglandian o matutuwa ba dahil for the first time, binanggit niya ang pangalan ko.

Ang ganda pakinggan ng pangalan ko mula sa kaniya. It sounds so good to hear.

I licked my lips and bit my lower lip to prevent myself from smiling. Tapos ay iniba ko nalang din ang usapan.

"Matanong ko lang, talaga bang walang signal dito?" seryoso ko nang tanong.

"Dito sa area natin, wala. Pero meron naman, doon nga lang sa may bundok." sabi niya at mahinang tumawa.

"Ano?! Tataas ng bundok?!"

Ethan looked at me shock because of my reaction. Tumaas din ang boses ko kaya malamang ay magugulat siya. But I can't help it! Anong sinasabi niyang tataas ng bundok?

"OA mo naman, Miss Arianne." I bit my lower lip before shutting my mouth. "Hindi kailangan tumaas ng bundok. Ang sinabi ko lang, doon sa may bundok. Grabe ka naman makapag-react agad." umiiling niyang sambit.

"Linawin mo naman kasi agad ang sinasabi mo." mataray kong saad.

Then I heard him tsked kaya napairap nalang din ako.

Ilang minuto ulit akong nanahimik. Pero hindi rin nagtagal ay hindi ako nakatiis at muling nagsalita.

"Can I ask you a favor, Ethan?" I asked, making my voice softer para mapapayag siya sa hihilingin kong pabor.

"Ano naman 'yon?" aniya tsaka sandali akong tinignan.

I smiled a little. "Can you come with me? Pwede bang samahan mo ako roon sa may bundok tutal ikaw naman ang nakakaalam no'n? Please... I badly want to catch the signal. Baka nag-aalala na rin sakin yung mga kaibigan ko dahil kahapon pa ako hindi nagpaparamdam sa kanila. Hindi na kasi ako nakapagpaalam nang maayos sa kanila eh." pakiusap ko.

Inayos ko talaga ang boses ko at nagpaawa nang kaunti. Lahat talaga gagawin ko mapapayag lang siya.

Hindi agad siya umimik kaya bahagya na akong napasimangot. Hindi rin muna ako nagsalita dahil baka makulitan siya sakin.

"Kailan ba?"

Bumalik agad ang ngiti ko nang magsalita na siya. "Ngayon. I mean, mamaya." sabi ko sa kaniya.

"Agad-agad?" aniya.

Tumango ako. "It's urgent." I said.

Nakita kong napahinga siya nang malalim bago kalaunang tumango kaya lumawak ang ngiti ko.

"Sige na nga." sabi niya pa.

Sa labis na tuwa ay napatayo ako sa upuan ko at napatalon pa. Parang nanalo lang sa raffle eh.

"Thank you, Ethan!" I told him. "Mamaya, ha. 'Wag kang aalis. Promise mo na 'yan, ha." pagdedesisyon ko.

Dahil doon ay nakita ko ang pagkurba ng maliit na ngiti sa labi niya. Hindi man siya nakatingin sa akin dahil abala siya sa pagluluto, at least, I know I made him smile.

When We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon