"Mom called, bukas daw po sila makakapunta rito. May mga inasikaso lang daw po sila ni Dad ngayon." balita ko kay Lola pagpasok ko ng kwarto niya habang dala-dala ang isang tray na may pagkain, tubig, at gamot niya.
Lola Francia slowly get up on her bed kaya naman nagsalita ako habang inilalapag muna sa side table niya yung dala ko.
"How are you feeling today, Lola? May gusto ka po bang pagkain o prutas, kukuha po ako sa ibaba. Namili rin po kasi ng mga prutas kanina si Tita Shirley." sabi ko at inalalayan din siya.
"No, I'm okay." she uttered in a low voice while holding on to me. "Bakit hindi mo nalang ako tinawag para sabay-sabay nalang tayong kumain sa ibaba." aniya.
"Mapapagod ka lang po sa pag-akyat baba. Much better po na ganito nalang." I told her.
Lola Francia's not getting any younger. Matanda na siya at hindi na rin kagaya ng dati ang katawan niya na may kalakasan pa. May karamdaman na rin siya ngayon that's why she's also taking her maintenance and some medicines.
Dumadalas na rin siya sa Manila, sa bahay, dahil doon ay marami kami that can look after her at mas accessible rin sa hospitals or something pero dahil birthday na niya sa makalawa, pinagbigyan namin siya na umuwi ulit dito sa province. She wanted to celebrate her birthday here.
"Kumain na rin ba kayo? Si Ethan?"
I adjusted the table for Lola when I suddenly frowned upon her mentioning Ethan's name.
"Lola, I'm getting jealous." I said. Kukunin ko na rin sana ang mga kubyertos para pakainin nalang siya pero Lola insisted it by herself kaya hinayaan ko na. "Si Ethan ang madalas niyong hinahanap kaysa sa akin. Lola, I'm your apo." kunwari'y natatampo kong saad.
Lola chuckled before eating.
Tahimik lang akong nakaupo sa tabi niya habang binabantayan siya. I'll stay here until she's finished eating.
"Of course siya ang hahanapin ko kasi siya ang wala, siya ang di ko nakikita. Eh kapag ikaw naman, syempre ikaw ang hahanapin ko." she said. "Parehas ko naman kayong apo. There's nothing to be jealous about, Anne." she added.
I smiled a little and nodded. Of course I was just kidding. Hindi naman mababaw ang pag-intindi ko para mainggit o magselos sa ganon. Ethan is also important to Lola.
"May kausap lang po siya sa ibaba. He's talking with someone over the phone." sabi ko.
"Happy birthday, Ma! Blow the candle,"
Nakatingin lang ako kay lola pagkatapos namin siyang kantahan. It's her birthday already, kompleto kami rito sa bahay. She closed her eyes for a moment before finally blowing the candle kaya pumalakpak kami at binati ulit siya.
"Anong winish mo, Ma?" Dad asked as he placed the cake on the table.
"Sana maabutan kong ikasal 'tong dalawa," Nasa may tabi lang ako ni lola kaya madali niyang naabot ang kamay ko. Habang si Ethan naman ay nasa likod ko, na nakahawak din sa balikat ko. "I want to witness Anne walking down the aisle. Gusto kong maabutan at makita na ikasal silang dalawa ni Ethan sa isa't isa." she said while smiling warmly.
"We will get there, Lola. Syempre, makikita mo 'yon, hindi pwedeng hindi." sabi ko habang nakangiti.
I suddenly looked at Ethan and I saw him smiling also.
"Dadating tayo doon, 'la." he said in an assuring tone.
Ibang klase rin wish ni Lola. I know her wish will come true. Mahaba pa ang buhay niya. Makikita niya pang ikasal kami ni Ethan, hanggang sa makabuo na kami ng sarili naming pamilya.

BINABASA MO ANG
When We Met
General FictionArianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets Ethan, the hard working and selfless province boy that always think of other people first especially...