Naglalakad-lakad muna ako sa kabuuan ng university. Hindi ko pa talaga naisasaayos ang mga gamit ko kahit pa isang linggo na ako halos dito.
Nasiyahan din kasi akong maglibot, tutal kaunti pa lang naman ang mga estudyante. Halos nasa bakasyon pa sila lahat.
Mga baguhan rin kasi ang mga nakikita ko sa ngayon. Merong mga higher levels na, nag-aadvance lang ng mga subjects nila.
Itong Harvard University, katulad din naman ng U.P. Diliman. Malaki, malayo ang agwat ng mga buildings sa isa't isa. Wala nga lang jeep o tricycle dito. Most of kasi ng mga nag-aaral dito, may mga sasakyan, mapa-kotse man o motor.
Yung ibang wala, umaasa sila sa bike, as a form of transportation. Provided na naman ang bike dito, kung sakaling wala ka. May renta nga lang. Pero okay na rin yun kesa naman mapilay ako kakalakad sa distansya ng mga subjects na papasukan ko.
Isa pa, naturuan naman ako ni Papa noong mag-bisikleta. Lagi rin naman naming libangan yun ni luga dati bago pa man niya ma-discover ang basketball kaya hindi naman sa'kin problema ang pagpepedal.
And as expected, lahat ng estudyante dito, world-class. Iba-iba ang lahi ng kada masasalubong mo. Minsan nga, akala ko Pilipino rin, Indonesian naman pala. Meron namang akala ko, Amerikano, ehh, Pilipino naman pala. Sadyang maputi lang talaga.
Medyo naninibago pa rin ako sa bagong lugar ko ngayon. Given na yung klima, buti nga at parating na ang summer. Atleast, umayon pa rin naman sa akin ang klima dito. Lagot nga lang ako kapag winter na.
Pati yung culture dito, nakakapanibago. Syempre dahil nasa dayuhan akong bansa, kailangan yun ang tingnan ko. Ehh ngayon lang naman ako napadpad dito, kaya hindi ko alam kung paano. Pero kakayanin naman yan! Kaya mo yan Angela!
May provided na ring dormitories sa loob ng university. Meron ditong tinatawag na neighborhoods o Yards kung tawagin, apat lahat ng yun.Sa bawat neighborhood, may iba't ibang hall kung saan tinutuluyan ng mga estudyante. Depende sa hall kung ilanan ang pwedeng magkasya sa kwarto. Merong pang-dalawahan o kaya naman ay hanggang walong tao ang pwede.
Na-assign ako sa may Ivy Yard, specifically sa Straus Hall. Halos lahat ng mga suites dito, tig-aapat ang titira.
Sa ngayon, ako pa lang ang nakatira sa room namin. Bukas ang dating ng isa. Samantalang yung isa, after two weeks pa daw siguro. Sa pasukan na naman dadating yung huli.
At hindi katulad ng usual na dormitory, hindi naman double-deck ang higaan dito. Tig-iisa kami ng kama. Pwede mo na ngang akalain na nag-occupy ka ng isang hotel room kung nasa Pilipinas ka. Di-aircon pa. Atsaka, wala pang bayad 'to. Well, for scholars like me, wala. Pero sa iba, kaya na naman ng budget nila iyong presyo nito kaya, good for them.
Malaki ang advantage mo kapag naging full scholar ka nila. Libre tirahan, may monthly allowance pang binibigay. Kaya lahat ng gastos sa pagkain o school projects, doon na lang kukunin.
Syempre, pansamantala lang naman yun. Makukuha ko ang gano'ng advantage kung hanggang sa grumaduate ako, ma-maintain ko ang mataas na grado ko.
Kapareho rin ng kurso ni Mama ang kinuha ko. Mabuti na yung mag-business course ako para matulungan ko pang mapalago ang negosyo ni Mama.
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Teen FictionNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?