Nagdesisyon na rin kaming umuwi matapos ang naging kantahan.
Bagsak na rin kasi sa sobrang kalasingan, halos lahat sa amin. At isa pa, masyado na rin kaming pagod sa ginawang pamamasyal ngayong buong araw.
Mukha atang kailangan muna naming palipasin ang pamamasyal mamaya. O kung hindi naman ay baka mga hapon na rin kami makapasyal.
"I can still drive, Logan! Hindi naman nating pwedeng iwanan ang kotse ko dito!"
Panay ang bulyaw ni Matthew. He keeps on nagging us he can still drive when it's obvious that he's not. Ni hindi na nga siya makatayo pa ng diretso.
He better leave his car here than crash it along the way. In that sense, it'll be safer than what he thinks.
"Matthew, maupo ka na nga!" sigaw sa kanya ni Ate Kristen na halata na ang pagkairita dahil na rin sa nalasing na si Kuya Jon.
"But--"
"Yung sa'yo na lang ang imamaneho ko, sumakay ka na lang doon! Bablikan ko na lang yung kay Ian" Napahingang malalim si Logan nang sinagot niya si Matthew.
Napagdesisyunan naming mauna nang ihatid sila Matthew, Ate Nat, Kuya Jon at Ate Kristen. Babalikan na lang daw kaming tatlong natira.
Wala na rin namang nagawa si Matthew kaya sumakay na siya sa passenger seat ng kotse niya.
Mas mabilis nga naman kung hindi na siya makikipagtalo pa. We're all dying for a good sleep, now, so he better shut his mouth.
"Sigurado ka bang kaya mong magmaneho, Logan? Nakinom ka rin." Pinuna ko si Logan. We're not going to risk anyone's life here kaya kung hindi niya rin naman kaya, mas mabuti pang iwanan na lang muna namin dito ang dalawang sasakyan.
"Isang beer lang yon. Kaya ko pa ang sarili ko, Angela. Dito lang kayo, babalik ako." tanging sagot niya at nagtangka nang pumanhik sa sasakyan ni Matt.
"Pwede namang magtaxi na lang kami, para hindi ka na mapagod-"
Tiningnan niya ako ng masama. Natahimik na lang ako sa isang tabi.
Masama bang mag-alala ako sa kaniya... sa kanila?
Nang maayos na silang nakasakay doon, agad niya na rin pinihit ang sasakyan palayo. Pumasok rin muna kami sa kotse ni Ian para doon na lang maghintay.
"Angela, diyan ka na lang sa harapan a. Gusto ko rin muna kasing maiunat ang mga binti ko. Napainom din ako kanina kaya masakit din ang ulo ko."
Teka, uminom ba siya?
"Pero si Ian kasi Ate Ruth. Kailangan ko siyang alalayan." Paliwanag ko
"Huwag ka nang mag-alala sa kanya, ako na lang ang mag-aalalay. Matutulog lang kami dito." Nakangiti siyang tumingin sa akin.
Tumingin pa ako sa kanya ng matagal.
Hindi niya naman siguro gagawan ng masama si Ian dahil ayaw niya dito. At hindi rin naman siguro mahahalata ang bakla gayong tulog lang naman siya.
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Novela JuvenilNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?