Chapter Thirty

30 0 0
                                    

"Magtataxi na lang kami" Pagpupumilit ni Ate Ruth


Panay kasi ang insist ni Ian na ihahatid niya na lang daw kami. Ano pa nga bang silbi ng sasakyan kung hindi rin naman pala namin magagamit.


Minsan natutuwa ako sa pagiging gentleman nitong si Ian. Kaya nga madaling natatakpan ang pagka-bading niya. Depende na lang siguro kung topakin man siya.

Well, I think that's what we really need for this whole pretension thing. Him being a complete gentleman.


"Gabi na, masyado nang delikado"

Umirap si Ate Ruth. Hindi na rin siya sumagot pa dahil alam din naman niyang magpupumilit lang si Ian.


Ilang minuto na rin ata ang ginugol nila sa topic lang na 'to.


Padabog siyang umalis.

Naiinis na humarap sa akin si Ian. "What's so bad in fixing you? May sasakyan naman ako." Umupo din siya sa tabi ko saka hinilot-hilot ang sentido niya.

Napangiwi na lang ako habang pinagmamasdan siya.


Alam ko namang gusto rin ni Ate Ruth na mapag-isa muna kami. Kapag nagpahatid at nagpasundo pa kasi kami, mahahati lang na naman ang oras namin. Mamadaliin pa kami.

But just to be fair with Ian, I understand him too. He only wants to secure our safety lalo na kung dalawa lang kami at mga babae pa. Not to say, it's night market we wanted to go in.


"What?"


Naramdaman niya siguro ang pagsang-ayon ko kay Ate Ruth.


Huminga ako ng malalim. "Dito ka na lang..."

"Oh please..." Umirap siya sa akin sa unang pangungusap ko pa lang.

Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatuloy na lang. "Or mag-night out din kayo ni Logan. O kaya naman, matulog na lang kayo ng maaga. Kaya na naman namin ni Ate Ruth" Akma na siyang magsasalita pero agad ko siyang pinigilan. "I'll be the one to call you when we need a ride home. Let's just give us this time, please?" Pinag-aralan niya ang expression sa mukha ko. "After two days, aalis na tayo kaya gusto rin naman namin sulitin itong panahon naming dalawa. Girls bonding."

"Pero..."

"Sige na Ian, please?" Ginamit ko na lahat ng kakayahan ko para magmakaawa sa kanya. "Wala namang mangyayaring masama. Gaya ng sabi ko, tatawag ako agad kapag sakaling kinailangan"

Nangamot siya ng ulo.


Naghintay ako ng sagot niya at hindi naman ako na-disappoint sa ginawa niyang pagpayag.


Ngumiti ako.

"I'll expect the call, okay? At hindi sa oras na kinailangan niyo lang, kailangan tawagan mo ako, no matter what happens. Huwag nang magmatigas ng ulo. Don't act like some heroes for yourselves. And besides, for sure, you'll last the whole night around the market. I just know how long it takes you to shop."

"Sus, e mas matagal ka pa ngang mag-shopping diyan." Bulong ko

Tiningnan niya ako ng masama kaya ngumisi na lang ako.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon