Chapter Forty-Five

24 0 1
                                    

For the whole two weeks ng examinations, hindi lang pagrereview at pagsusulat ang pinag-kaabalahan ko.

Laging umaalis ng walang paalam sa akin si Ian. Hindi ko tuloy alam kung saan ba ang mga lakad niya, o kung anuman ang maaaring nasa isipan niya ngayon. 

Kung akala ko magiging madali lang iyong pinapagawa sa akin ng Mommy niya, sa tingin ko'y yo'n pa ata ang pinakamahirap.

Mahirap na nga ang hindi sabihin sa kanya ang tungkol doon, paano pa kaya kung babantayan ko siya lagi.

Siguro, explainable yo'n sa tingin ng iba dahil girlfriend niya raw ako. Pero pa'no naman siya? Pa'no kapag kaming dalawa lang at lagi ko siyang pinagbabawalan na lumayo para lang mabantayan ko siya?

Edi mas lalong lalaki ang tiyansa na matanong niya ako at kung palaging ganoon, mauubusan at mauubusan ako ng rason sa kanya at ang magiging resulta, hindi ko na mapipigilan pa ang sarili kong hindi sabihin sa kanya ang totoo.

What's the gain of those two-weeks' effort, right, kung ganoon lang din naman pala ang kahahantungan?


"You look stressed. Thought you prepared in advance, look like you did not" Tawa ni Ian nang sandali niya akong inaya sa cafeteria.

Hindi ko siya pinansin. Ngumuya na lang ako mula sa salad na kinakain ko.


Yes, I did make an advance study. Kumportable ako sa mga exams ko at kumpiyansa rin ako sa mga articles na sinulat ko.

But can you blame me for being stressed? Dahil naman sa kanya kung bakit eh. Tss!


"What are our plans tonight? By four, tapos na ang exams ko. Ikaw ba?"

"Tapos na ako ng mga two pero kailangan ko pang ipasa kay Yla ang articles ko, if she'd let me go after, then I'm gonna be good after your dismissal. If she did not, then I guess I have to spend the night in front of my laptop." Tamad akong ngumunguya habang nakapangalumbaba.

"So to expect worst from what you said, mukhang hindi ka pwede ngayong gabi." Pakunwari siyang nag-isip isip. "Hmm... I guess, I'll just have a lone time, then."

Doon ako napaayos ng upo.


Eto na naman siya. Saan na naman kaya ang punta niya ngayon?


"Saan ka pupunta? Sinong kasama mo?"

Nagulat siya sa mga tanong ko kaya napasandal siya sa upuan niya ng maayos. Tumitig siya sa akin sandali pero binatuhan niya naman ako ng isang hagalpak na tawa pagkatapos. "W-what? Acting like a real girlfriend now, ha? Hoy Angela, hindi tayo talo!" Sabay inom niya ng juice.


Bwisit!


"Bakit ba lagi ka na lang tanong ng tanong kung saan ang punta ko? Kung sinong kasama ko? O kung di naman ay anong oras ang mga events na pinupuntahan ko?"

Nanatili akong tahimik.


I give up! Ayoko na!

Pagkatapos talaga ng araw na 'to, ayoko nang tumulong sa mga surprises na ibibigay sa kanya. Naiistress lang ako.


"Fine! To let you cool, iinom lang naman ako. Depression ang inabot ko sa mga exams kaya gusto kong ipahinga ang utak ko. And like I said, I have no one invited with me. Busy din sila Daph so I have no one to accompany myself except if you get into the best situation you can get by this afternoon."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon