"Pauwi na kayo ni Logan?"
Hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko - ang pag-eempake o ang pagsagot kay Mama.
"Opo, Ma. Inaayos na po namin lahat ng dadalhin diyan, mamayang hapon po ang flight namin."
Hindi ko na halos maiayos ang mga damit na nilalagay ko sa maleta. I just hope I can make Daphne happy with these clothes I am putting yet I don't have to deprive myself from uneasiness wearing all these 'fancy' clothing once I get back there. Kung sa bagay, may mga damit nga pala ako roong masasabi kong mas magiging maayos ako.
I'll take note of packing more of those once we arrived.
"Bakit ba kasi nausog ang flight niyo? Dapat nga ay kahapon pa kayo naririto."
"Ma, alam mo naman kung gaano ka-busy sa university ngayon, di ba? Malamang ganoon din si Luga. Mabuti na nga lang at pinayagan kaming makapag-leave gayong nasa kalagitnaan pa lang ng semester."
Rinig na rinig ang tampo roon sa boses ni Mama. "O siya sige, siguraduhin niyo lang na makakarating na kayo rito bukas. Aba't sa Biyernes na ang kasal nila Bettina, kailangan mo pang sukatin ang damit mo, puro pa naman kayo kain ni Logan. Sabi ng Tita mo tumataba ka na raw!"
Napasimangot ako sa tinuran ni Mama.
Oo na, aminado naman akong puro kain ang ginagawa naming dalawa nitong mga nakaraang araw. Hindi, ako lang pala halos. Lagi siyang bumibisita sa university bitbit ang isang dosenang pagkain. Araw-araw walang palya. Para raw hindi ako magutom.
Akala ko matatapos na iyon kapag sinagot ko na siya, mas lalo pa atang lumala. Sa pagkakataong ito, hindi na ako makapag-reklamo pa.
"Sige na, Ma. Mag-aayos lang ako, magkita na lang po tayo diyan bukas. I still have to call Ian."
"Mag-ingat kayong dalawa!"
Tumango na lamang ako "Opo!" at saka hinintay na maputol ang tawag.
Nang matapos sa mga damit ay humiga muna ako sandali sa kama.
I've been trying to recount how many times I was able to lay like this in my bed. I was just so busy, I still feel like I'm a Harvard student. Akala ko pa naman kapag naging professor na ako ay mas mababawasan ang trabaho ko, hindi pala. I'm not even taking my Masteral's yet.
"Pagod ka na?" Sumulpot na lamang bigla si Logan sa kwarto ko dala-dala na naman ang mga pagkain niya.
Kinunotan ko lamang siya ng noo.
No way I'm eating those again! Kahit naman panay ang jogging ko araw-araw, hindi maipagkaka-ila na tumaba nga ako. And I forgot how I have to be fit on Bettina's wedding. I'm kind of seeing Ian nagging me this time around...
Or should I say, more of complimenting me with his sarcastic tone.
'Look at you, you're Mrs. Roberts! Sabi ko na nga ba kaya ayokong magturo, I'm suddenly becoming a not so hot teacher! <Evil laugh>'
Bumalik ako sa pagkaka-upo. "Tumawag si Mama, nanermon na naman."
Tumawa lang siya.
"I swear magda-diet na ako! Bahala kang kainin 'yan mag-isa!" Padabog ko siyang iniwan sa loob ng kwarto. Patuloy lang naman siya sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
JugendliteraturNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?