Maaga akong nagising kinabukasan. Mabilis akong naligo at saka nagsuot ng pamalengkeng damit. Bago pa man lumabas ng kwarto ay inayos ko muna sa isang case ang mga papel na natapos ko kagabi.
Nasa dining table si Mama nang makababa ako. Umiinom siya roon ng kape.
"Good morning, Ma..." Bungad ko sa kanya at saka siya sinalubong ng ngiti. Matapos ay inilapag ko sa tabi niya ang mga papel. "Okay na po 'yan"
Hindi nagsalita si Mama kaya naman ay dumiretso ako ng kusina para kumuha ng tasa. Nang makaupo ay saka naman ako nagtimpla ng gatas.
Humigop ako sandali sa tinimpla ko dahilan para masalubong ko ang tingin niya sa akin.
"May problema po ba?" Tanong ko kaagad
Hindi niya sinagot ang tanong ko, imbes ay pinagmasdan lamang niya ako mula ulo hanggang paa. Nang makasalubong ko ulit ang mga mata niya ay doon na siya nagsalita. "Sa'n ka pupunta?"
"Sasamahan ko po kayong mamalengke..."
Kumunot pa siya ng noo na animo'y hindi naintindihan ang sinabi ko. "Bakit?"
Bakit nga ba? Hmm?
"Bonding time? Tsaka baka may bilhin din po ako, ayaw niyo po ba ng may katulong?"
"Hindi naman sa ganoon, akala ko lang may pupuntahan ka." Umiwas na siya ng tingin sa akin at saka binalikan ang binabasa niyang diyaryo.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa dahilan para mapalingon siya sa akin. "Ma, naka-bonding ko na silang lahat, ikaw na lang po ang hindi. Alam ko po na bukas pa talaga ang plano natin pero ayaw niyo po ba simulan ngayon?"
Ngumiti lang siya sa akin. "Edi kung ganoon, magbibihis na ako"
Hinayaan ko na siyang umakyat sa kwarto at magbihis. Pinagkaabalahan ko naman ang sarili ko sa paghugas ng mga tasang ginamit namin.
"Sigurado ka wala kang gustong ipaluto?"
Mabilis akong umiling. As long as luto ni Mama yo'ng kakainin nila, paniguradong hindi naman sila magrereklamo. They're pretty much flexible with food, too.
Sinusundan ko lang si Mama sa pamamalengke nang nasa wet market na kami. Kung minsan lumilingon siya sa akin habang ineeksamin yo'ng mga binibili niya.
"Wala bang ganito roon?"
"Meron naman po pero most of the time sa grocery na lang po kami namimili, mas mabilis po kasi."
"Dapat hindi ganoon. Frozen ang nasa groceries, hindi rin masyadong maganda ang ganoon. Isa pa, masarap ang sariwa. Dapat nga lang magaling kang mamili."
Nagsabi pa siya ng paraan ng pagpili ng karne, isda, pati ilang gulay doon.
"Kapag bibili ka ng sibuyas o bawang, dapat yung nakatumpok na. Madadaya ka lang kapag kinikilo."
Tumatango ako agad sa kanya. Napapangiti na lang rin ako ng tago kapag tuwing naaalala ko maski pa man noon ang mga paalala niya.
"Kapag mag-gogrocery ka, dapat ang unahin mo yo'ng mga kailangan muna. Bigas, asukal, para hindi ka na mangangapa kapag nagkulang ang pera mo"
"Wag kang magpapadala lang sa laki ng prutas at gulay, sabi nga, kung ano ang malaki, yo'n pa ang walang lasa. Mas maganda nang maliliit."
"Bilangin mo muna yung sukli mo bago ka umalis."
Matapos niyon ay dumaan naman kami ni Mama sa grocery. Hinayaan niya akong mag-isa muna habang naglilibot sa mumunting tindahan.
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Novela JuvenilNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?