Chapter Two

90 1 0
                                    

"So... kumusta naman ang Graduation sa ibang bansa? Any differences?" si Matthew na naman ang nagsimula.

Napahinga muna ako ng malalim bago sumagot. "Hmm? No differences at all. Pareho lang namang may Graduation rites, same with, how many hours of waiting for the whole ceremony to finish..." napatawa sila doon. Natawa na lang din ako sa nasabi ko.


Wala naman talaga kasing naiba. Siguro, yung programs offered by the university, kasi iba ang mga tawag. O kaya, the whole just been present to that scope of area.


"The students are also different. The feeling that you were traveling the world, when seeing each faces. And maybe, world-class speakers? So far, wala naman akong nakitang kakaiba." dugtong ko pa saka subo sa spaghetti na inihain sa akin ni Mama kanina.

"Sayang nga at hindi ako nakapunta sa Graduation mo. Masyado kasing maraming kailangan gawin sa store, kaya hindi ko maiwan-iwan nang araw na 'yon." muli na namang sabi ni Mama.


Naintindihan ko na rin naman ang naging sitwasyon ni Mama kaya hindi ko na rin siya pinilit pa na pumunta sa event na yun. Isa pa, medyo may nararamdaman din siya no'n kaya sinabi ko na lang na uuwi ako kaagad para masulit naman ang time namin sa isa't isa.


"Ma, okay lang yun. Ako naman ang nag-insist na wag na kayong tumuloy." ngiti ko pa sa kanya.

"Pero, hindi ko man lang naranasan ang pagpunta sa ibang bansa kahit sandali lang." nguso pa niya.

Nagsihagalpakan naman sila ng tawa sa tinuran na yun ni Mama. Napailing na lang ako habang nangingiti-ngiti na rin.


Mas gusto niya pala ang ideya na makapunta sa ibang bansa keysa sa suportahan ako sa pagtatapos ko sa college.


"Months from now, Ma. Lilibutin natin ang buong mundo. Where'd you wanna start?" dugtong ko na lang para maibsan ang tampo na yun.


Hindi naman talaga ako nagtatampo, kasi alam kong second reason lang yun ni Mama, and it has been okay for me. Pero, I admit, nalungkot ako nang hindi ko nakasama si Mama no'n nang finally, makukuha ko na ang diploma ko.


"Mag-Euro trip tayo, Angela!" sigaw ni Matthew.


Hindi pa man nakakaisip si Mama nang pupuntahan, sumabat na naman 'tong isang 'to. Tss!


"Sabi ko bang kasama ka?" pagtataray ko pa. Napakamot naman siya ng ulo. Napangiti na lang ako. "Just kidding, Matt! I miss you!" kumalas ako sa pagkakaupo ko at tumakbo papunta sa kanya sabay yakap din.

"Whoah! Matt! Iba na talaga, kapag galing Amerika. Nagiging sosyal na." pagbibiro naman ni Kuya Jon.

Natawa na lang ulet sila. Yumakap na lang din ako kay Kuya Jon. Baka kasi akala niya, itong mokong lang na 'to ang na-miss ko. "I miss you, Kuya Jon! Selos ka naman!" sabay kurot ko sa pisngi niya at takbo sa kinauupuan ko kanina.

Nakita ko pa ang nayayamot niyang itsura dahil sa kurot na ginawa ko.


It just felt like, mas gumwapo kasi silang dalawa. It's been five years ba naman. O sadyang, nanibago na lang ulet ako sa uri nila kaya ganun na lang ang pagka-miss ko. I guess, it's the second reason. HAHAHA!

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon