Chapter Forty-Seven

20 0 0
                                    

"Angela, tara na! Nagugutom na ako!" Sigaw ni Ian mula sa labas ng CR.


Natuwa kasi ako sa shower kaya ayun at natagalan ako sa pagligo. Nagmamadali tuloy akong magdamit ngayon.


"Mauna ka na kaya do'n! Mamaya baliktad ko pang masuot itong mga damit ko" Sagot ko habang natataranta na sa pagsusuot ng shorts ko.

Hindi ko na siya narinig na sumagot pa. Tanging kalabog na lang ng pintuan ang narinig ko.


Well, it's better if he's out than he's here just nagging me how slow I am.


Ilang minuto rin naman nang matapos ako. Tinext ko muna si Mama bago pa man ako makalabas ng suite.


To: Mama

Ma, kakain na po kami ng dinner. Kumain na rin po kayo.


Nagtanong agad ako sa isang attendant doon kung nasaan ang restaurant nila.


From: Daphne

Where are you? You're missin' the night!


"Along reception area lang po Ma'am" Sagot niya

"Thanks"

Kahit na sinabi niya na kung nasaan naroon ang restaurant ay sinamahan niya pa rin ako roon.

Naisip ko tuloy na sana ay may dala akong kahit magkano para maibigay ko man lang sa kanya but I got an empty pocket tonight, tatandaan ko na lang siguro ang mukha niya.

Nakarating kami ng restaurant at agad ko namang nakita ang mga kaibigan ko. They're still on their seats. Parang na-konsensiya naman ako dahil kailangan pa nila akong hintayin.

"Salamat ulit..." Ngiting sagot kong muli doon sa attendant.

"You're welcome po"


Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nila.

"You seriously have to act fast, you know..." Puna ni Ian nang makaupo ako at saka siya tumayo para kumuha na ng pagkain

Sumunod na rin naman ang iba pa. Nagpahuli na lang muna ako at dinama muna ang pag-upo.


The menu on the buffet list tonight is more of grills and barbeques.


"Are they gonna have a band to play tonight?" Tanong ni Betty

"I heard it's an acoustic band" Tugon ni Ric "I think that's just good to start this whole week."

"How about, we have our dinner on the white sand then? That way, we'll feel the whole scenery..." Suhestyon ni Perrie na halata nga ang kagustuhang doon na lang malapit sa banda kumain.


Maganda na ang view ng langit sa ganitong oras, and besides, it's true, aside sa mas masarap kumain kapag may ganoong live na banda ang kumakanta para sa inyo ay nakikisabay rin ang dagat. And the feels when you have been surrounded by coconut trees, it's so rural.


"That definitely sounds great..."


BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon