Inilapag ko sa gitna ng mesa ang Buko Pandan at agad nilang pinagkaguluhan iyon. Nakisalo na rin ako sa kanila at una kong nilagyan ang platito ni Mama.
Hindi siya umimik pagkalagay ko sa harapan niya. Bumalik na rin ako sa pagkaka-upo at paunti-unting inubos ang kinuha ko.
Pinagsisihan ko tuloy na hindi naisatinig ni Ian sa kanila ang tungkol dito. In that way, it lessens the damage. Mas gugustuhin kong sa akin malaman ni Mama ang lahat kaysa naman sa iba pa.
Ayoko pa naman sanang umalis ng isang linggo nang hindi kami maayos. Siguro nga't naayos iyong tungkol sa pangingibang-bansa kong muli pero heto naman at may panibagong kailangan linawin.
Hindi ko nga lang alam kung may oras pa ba ako para ipaliwanag kay Mama ang lahat.
But I guess it's just the same, huh?
Bago pa man ako babalik ng US, gugustuhin ko na na masabi ito kay Mama and in just one day? Makakadagdag pa ng istorbo iyon sa pinaplano kong get-away namin.
So, I guess it's just better off this way.
I wish...
Nang matapos ang tanghalian, inabala muli nila ang pagtingin ng mga litrato sa album. Hiniram rin ni Ric ang gitarang nasa sala at nag-umpisa silang magkantahan doon. Tinulungan ko naman si Mama sa pagliligpit ng mesa.
Dapat ay tutulong pa ako sa paghuhugas pero pinigilan naman niya ako at hinayaan na lang na ayusin ko na ang mga gamit na dadalhin ko.
Ayaw ko sana siyang sundin dahil gusto ko pa siyang makausap tungkol sa naging kwentuhan kanina. Gusto kong linawin sa kanya ang lahat, ikwento kung bakit ganoon ang nangyari.
"Sige na. Ako na ang bahala dito" Nasa tonong seryoso iyon.
May kasalanan ako kay Mama kaya dapat ay amuin ko siya pero hindi ko naman kayang mas lalo siyang magalit sa akin kapag nagpumilit pa ako. Palipasin ko na lang muna siguro ang ilang saglit.
Umakyat na ako papuntang kwarto. Nakasalubong ko pa no'n si Ian at markado sa mukha niya ang nag-aalalang mukha.
"Angela..."
"Kukunin ko lang yung mga gamit ko" Nilagpasan ko siya.
Hindi ako galit sa kanya. May kasalanan rin naman kasi ako dito. Kung hindi ako pumayag sa mga gusto niya edi sana hindi mangyayari ito. Sana hindi na lalaki ang gulo ng ganito. Simpleng pagpapanggap lang iyon pero malaki ang naging epekto.
Ganito rin ang nangyari noon kaya hindi malayong hindi ito mangyari ulit ngayon.
--
Kasalukuyan akong nasa kwarto at nag-aaral para sa Finals. Mamaya, pagkaka-abalahan ko naman ang articles na isusulat ko para sa newspaper.
Kailangan kong matapos iyon para hindi na ako maaligaga kapag nagsulat ako ng tungkol sa mga ga-graduate sa taong ito. Lalo na't magiging busy na rin ako sa ilang mga practices ng seremonya at interviews sa ilang mga kompanyang pinasahan ko ng credentials.
"What's that you're doing?"
Hindi ko tiningnan kung sino ang pumasok mula sa pintuan. Sa boses pa lang alam ko nang si Bettina iyon.
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Teen FictionNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?