Chapter Forty-Two

27 0 0
                                    

Dumiretso muna ako sa kwarto ni Mama bago ako tumungo sa kwarto ko.


Sana maintindihan niya ang dahilan ko kung bakit ulit aalis. Soon after, uuwi rin naman ako. And I hope it's finally for good.


Sumandali muna ako sa banyo at nagwisik ng kaunting tubig sa katawan. Masyado akong nanlagkit mula sa paglalaro kanina. Pagkatapos no'n, saka na ako nagpalit ng damit at diretsong inilagak ang kabuuan ko sa malambot na kama.


It had been a day and so much has happened. This will all just need a good night rest. No wonder if I soon drift away from my thoughts.

But just as I thought I'll immediately lose my wake, kabaligtaran pa no'n ang nangyari. I stayed awake for about an hour, thinking about a very single thing or person.

Logan.

Sa tingin ko, maayos na ang ganito. Back to what we were before.

Hindi sagot ang naging pag-iwas ko sa kanya para lang maiwasan pa ang nangyari sa amin noon. Wala namang problema kung bumalik yung dati naming samahan, magkasabay kaming lumaki kaya hindi na dapat issue pa kung anuman iyong nangyari. Think of it as just a memory. Past is past nga, ika nila.

Besides, I have gone for years and I had already moved on. Isa pa, panigurado naman hindi ko na iyon mararamdaman pa, I've learned. And I've grown up. Alam ko nang wala namang patutunguhan iyon kaya bakit ko pa hahayaan ang sarili ko.


Nagising ako sa pag-iisip nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.

'Hello?'

Boses ni Ian ang sumalubong sa kabilang linya. 'Hey, akala ko tulog ka na? O nagising ka?'

Huminga ako ng malalim. 'Matutulog pa lang ako. May inasikaso kasi ako kanina. Bakit ka nga pala napatawag? Nakauwi na kayo?'

'We're still here' Sakto namang pagkasabi niya no'n ay ang panandaliang pagsabog ng tugtog mula sa background niya. Nawala rin naman at isang lagaslas ng tubig ang pumalit. Siguro'y nasa banyo siya ngayon.


What? They're still in there? Dalawang oras na silang naroon ahh, wala pa ba silang balak umuwi? Siguro naman naaalala pa nila kung anong lakad ang meron kami mamaya. 


'Pero bago ka pa maka-react..." Too late, Ian! "huwag kang mag-alala, makakarating din naman kami diyan on time. Tutal after lunch pa naman ang flight natin, hindi ba?'

Napapailing ako. 'Siguraduhin niyo lang na hindi kayo mga lasing ahh. Tss. Sinabi ko na naman kasi sa'yo, wag mo nang kunsintihin pa si Daphne sa clubbing na yan, alam mo namang babyahe tayo.'

'Fine, it's my fault. But then, they just want to have fun tonight. And besides, aalis na rin naman sila pagkabalik natin dito kaya mabuti na rin itong iparanas na agad sa kanila ang night-out sa Manila. I know you don't want to deprive your friend of that.'

Kinonsensiya na naman ako. 'Oo na nga. Andyan na yan, ano pa bang magagawa ko? Just please be sure they're okay. Alam mo naman ang ugali ni Daph kapag nalalasing. And who knows, if Perrie as well? I know Ric can handle Bettina same with Kyle to Allie. Kaya kahit doon na lang sa dalawa, please!'

Humalakhak lang siya. 'You went away to escape, now you're giving me a headache. Oh well, sige na, babantayan ko ang dalawa. Para sa'yo... I hope you had fun with something you attended tonight, though.'

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon