It's been two months since she left. At sa dalawang buwan na iyon, tama lamang ang panahon para muli na kaming magka-usap ngayon.Hindi ko siya naabutan noong umalis sila, siguro'y utos na rin ng panahon para maging maayos ulit lahat. Pinilit ko ring hindi siya tawagan o kahit anong paramdam man lang dahil sa tingin ko'y iyon ang kailangan. Para sa ikaaayos naming dalawa.
"Alam mo ikaw, Anthony, dapat matuto ka kung anong pagkaka-iba ng panahon na kailangan. Lagi mong sinasabi hindi pa ito ang tamang panahon, eh kung ganoon pala kailan ang tamang oras? At paano ka naman nakakasiguro na tamang oras nga ang kailangan?"
Noon pa man, tumatak na sa isipan ko na kapag oras na, yo'n na iyon. Minsan mas mabilis sa inaasahan, minsan naman sobrang tagal pa ang kailangang hintayin para magawa ang mga bagay-bagay na tanging sa tamang panahon mo na lamang inasa.
Hindi ko alam na sa sobrang paniniwala sa isiping iyon, ito na mismo ang nagiging dahilan para lamang mapag-takpan ang takot ko.
"Not sure if the person you're looking for is in the university, bro. You see, we got a holiday today, most of the students went home to spend time for it, so seeing her could be complicated."
Hindi ko agad naisip iyon ah.
Inaasahan ko nang hindi siya makakauwi sa Pilipinas kahit pa sabihing long weekend. Pero pa'no kaya kung siguro'y sumama nga siya sa isang kakilala para makahinga na muna sa university na ito. Besides, who wants to enjoy the holiday just you spending it alone?
Right as of that moment, alam ko na hindi pa nga iyon ang tamang panahon. Masyado akong nagmadali, nagpadalos-dalos.
"Thanks." Ngiti ko na lamang sa nakausap. "I thought I can get the chance to surprise her, didn't expect she's out."
"Well, that could just be a possibility, what if she's just around..."
Kahit pa posible nga iyon, hindi ko na pinagbigyan pa ang posibilidad na iyon.
Binigyan ko muna ng isang mahabang tingin ang kabuuan ng lugar bago umalis.
Mukhang okay naman si Gulaman dito, ilang taon na ang lumipas kaya malamang na naka-adjust na ang isang iyon. Mabuti naman.
Inayos ko ang bawat telang bumabalot sa aking katawan. Ramdam na ang kalamigan sa buong lugar kahit hindi pa man tuluyang nag-uumpisa ang Winter.
Matapos kong magtungo sa university'ng iyon, dumiretso na kaagad ako sa inn na tinuluyan ko.
Hindi ko alam kung ano pa bang silbi ng pagpunta ko rito, kung para saan pa ang pananatili ko. Kung sakali man, paniguradong wala siya sa buong weekend, ibig sabihin, wala ring kwenta ang paghihintay ko.
Sumandali lamang ako rito dahil sa pagpupumilit ni Ruth, kapag nagtagal pa ako, baka mahalata na ni Mommy ang pagkawala ko.
Isang bagpack lamang ang dala ko at hindi ko pa naaalis ang lahat ng gamit ko roon. Kaninang umaga ako dumating, at kahit pa hindi ako gaanong nakatulog sa eroplano, mas lalo lamang akong hindi nakatulog nang makarating na ako.
Lumabas na lamang ako at namasyal sandali para matanggal ang kabang nararamdaman. Nang medyo sumapit ang tanghali, saka na ako nagdesisyong daanan siya.
Ganito pa rin naman ang mararamdaman ko kahit lumipas pa ang panahon kahit patagalin ko pa ang pagtatapat. Isa pa, narito na ako, ilang metro na lang ang layo sa kanya kaya bakit hindi pa ngayon?
Gaya ng sinabi ko, hindi ko na binigyang halaga ang posibilidad na iyon. Others might grab for that possibility, but not me.
"Papunta ka ng airport? Bakit? O... baka paalis ka pa lang ng airport? Nagkaroon ba ng emergency landing kaya na-delay din yung flight mo?"
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Ficção AdolescenteNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?