Chapter Sixteen

28 0 0
                                    

Natapos ang dinner. Nauna na ring magpaalam si Mama na magpahinga na kaya nagpaalam na rin siya kay Ian. Si Ian naman, hindi na rin nagtagal at gumayak na papunta ng bar. Hindi talaga mapaawat ang isang ito!

"Remember, we'll have to take a tour around Manila bukas..." I gave him warning eyes. 

"Manila?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Babe, I grew up in Manila. Maybe, I have been gone for like ten years pero fresh pa naman sa memory ko ang lugar na ito. And what are you planning, to have an educational tour? Well, don't ever dare! For your information, I still remember everything about Philippine History." 

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. 


Like, yeah Ian, I have overthought about that even before I blurt it out to you. Nagkataon lang talaga na bukas pa makukuha ang ticket namin papuntang Baguio. He wants to take the plane so we have no choice but to wait. Kaya wag nga siyang mag-inarte diyan. And besides...


"Marami na rin pong nagbago sa kabuuan ng Maynila ngayon. And don't worry, there were more bars and exciting places around, I'm sure, you can buy yourself happiness then. And will you please, stop calling me babe, nakakadiri kaya. Magkasala pa ako kay Sean, ano!" I try the best as I can to force him to go. Panigurado naman kasing nagpapalusot lang ang isang ito ehh. 

Hindi siya nagsalita. Just as I was expecting.

"Subukan mo lang talaga na hindi ako siputin bukas! Sinabi na kasing ipalipas mo muna yang pagbabar mo, tss." Inikutan ko siya ng mata. 


Nakakaasar kasi! Dapat nga siguro yung tatlo na lang ang pinapunta ko dito. They were a lot more appreciative.


"Hey, I'm just joking, okay?" He gave me a tight hug. He sure knows how to ease my stress over him. "I'll be there. But, I have to oversleep."

Muling bumalik ang kunot ng noo ko. I know when he's oversleeping. Umaabot hanggang hapon. Anong maabutan namin kapag ganun? Bars na naman? And more of it?

"I just want to make sure I don't give you a headache because of my hang-over" he followed, defensively.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Kahit ano naman kasing gawing pakiusap sa kanya, he'll make the best excuses. "Basta, we'll have the tour! I don't care of your excuses, ang importante pumunta ka. Magagalit talaga ako kapag iniwan mo ako sa ere."


Natuwa naman ang loko! Hmp.


Bago pa man siya makasakay ng taxi, hinalikan niya muna ako sa ulo. "Bye, Babe" then he winks.

Wala na naman akong nasabi dahil umalis na rin ang taxing sinasakyan niya. Naku Ian! Hanggang ngayon, sakit ka pa rin sa ulo!


Tumalikod na rin ako para sana makapasok na ng bahay but just when I glare my eyes over the gate, nandoon naman si Logan. Nakatayo lang. He samely watched the far gone cab, carrying Ian. 

"Ginulat mo naman ako! Kanina ka pa ba diyan?" 

Agad kong nasalubong ang tingin niya. "Medyo" paikli niyang sagot.

Tumango lang ako at saka na dumiretso papunta ng gate. 

Pero bago pa man ako makapasok, nagdugtong din siya agad ng tanong. "Boyfriend mo ba talaga yun?" Doon ako napatingin sa kanya. I know he wants assurance. Hindi siya makukuntento lang sa sinabi ni Ian, kailangan galing talaga sa akin. "Hindi ba yun bakla? Hindi ba masyadong malamya ang mga galaw niya? Paano ka na lang niya mapagtatanggol kung kahit isang bangga mo pa lang, halos matumba na? Kung tutuusin, mahina nga lang yung pagbangga ko sa inyo kanina pero mas madali pa siyang natumba kesa sa'yo."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon