Chapter Sixty

26 0 1
                                    

Matapos ang pag-uusap na naganap ay pinagsaluhan na rin namin ang tanghaliang hinanda ni Mama.

Masaya silang lahat. Buong galak silang nagkekwentuhan ng mga bagay-bagay. Silang lahat maliban sa aming tatlo.

Tipid lamang na ngiti ang nabibigay ko, lumalawak lang iyon kapag lumilingon sa akin si Sean para maiungkat ang ibang kabahuan ni Ian.

Si Logan naman, kapag hindi siya kinausap ng dalawang lalaki, hindi siya makikisalo rin sa tawanan. Parang si Ate Ruth kila Ate Nat at Ate Kristen.

Alam kong may mali.

At dapat na maitama iyon bago pa man ako bumalik ng Amerika bukas.

"Hindi ko alam Tita kung kailan ulit ako makakabalik pero sisikapin kong makabisita agad." Lumingon sa akin si Ate Nat matapos niyang kausapin si Mama. "Bukas na ang alis niyo?"

Tumango ako.

"Sige, pipilitin kong makapunta ng airport. Kailangan maihatid na kita ngayon, yung last time kasi wala ako." May halo nang pagsisisi ang tono niya sa huling nasabi.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang Ate Nat, alam ko naman kung gaano ka ka-busy. Baka maistorbo ka lang."

Umiling-iling siya. "That shouldn't matter, pupunta pa rin ako. Baka ilang taon na naman tayong hindi magkita eh."

Hinayaan ko na rin siya sa gusto niya. Sa totoo lang, gusto ko rin talaga silang makasama lahat, baka nga ilang taon na naman ang imalagi ko roon, kaya susulitin ko na.

"Bukas na lang, Angela!" Kaway nila sa akin nang makaalis. Kumaway din sila sa limang nakatayo roon banda sa pintuan.

Pagkalapit ko sa kanila ay saka naman nagpaalam na sila Ian. "Mauna na rin po kami, nag-aaya rin po kasing mag-sightseeing si Sean"

Tumango si Mama. "Ganoon ba, sige, salamat sa pagpunta." Nilingon ni Mama si Sean. "Too bad you only had few days to roam around, I hope next time it could be longer?"

Tumango si Sean na hindi ata napapagod sa kakangiti. "It will be longer next time, I'll make sure of that. By the way, thank you for a wonderful menu, I got full, don't know if I could still manage touring, actually."

Tumawa kami sa pasadang iyon ni Sean.

"We can still see you all tomorrow, right?" Paninigurado niya pa.

Ako ang sumagot sa kanya. "Yup, you can still see them there. Don't worry too much, Sean."

Tumawa siya at saka ako inakbayan. "I can't think how can you handle Ian being your pretend-boyfriend. Sometimes he's just so annoying."

"Okay, stop it, you two!" Humalik siya kay Mama at saka nagpaalam, kumaway din siya kina Ate Ruth. Humarap siya sa amin matapos. "You seriously need to know I'm still here listening!"

Pagkatapos no'n ay saka niya kami pinaghiwalay ni Sean at nauna nang sumakay doon sa sasakyan.

Tinanaw namin siya at kunot na kunot ang noo niyang nakadiretso lang ang tingin sa daan.

"Oopps! I better be going." Tumango ako sa suhestyon niyang yo'n. "We're just equal, by the way, I can sometimes be annoying."

Napatawa niya muli kami sa sinabi niyang iyon.

"Bye, everyone! We'll see you all tomorrow, it's been a great day today!"

Kinawayan namin siya pabalik, maging si Ian na hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo. Hinintay naming makaandar ang sasakyan nila bago pa man kami tumulak na papasok ng bahay.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon