Chapter Seven

52 0 0
                                    

Naaasar ako kay Logan. He's making my two-month stay, miserable. Kung siya hindi nagbago, well sorry for him, but I can't do the same way. I'm tired putting much drama on everything. It's been five years, and I'm no longer that teenager Gulaman na hinahanap niya. 

And he's been telling me that I don't look like a Harvard graduate dahil sa paglalaban ko ng katotohanan? He better wake up then. Tss.

If he doesn't like what I become, then fine. Basta ako, I'm enough of who I am now. Mas naging matapang ako, palaban. Ngayon, mas nasasabi ko na ang gusto kong sabihin... not like years ago.


Pumunta ako ng playground, kung saan ako laging napapadpad noong highschool pa ako. Ngayon na lang ulet ako nakapunta doon. And it changes a bit. Siguro, dahil mas dumami ang bata sa kabuuan ng barangay. Mas kumulay din ito hindi katulad dati na halos puro kalawang na lang ang nakikita sa mga bakal-bakal. 

Hindi ko rin naman sila masisi. As to what children used to do these days, it's better to attract them here. Sana lang umubra ang mga kulay.

Nadagdagan na rin ang mga light stands doon kaya hindi na rin naman nakakatakot kung gabi ka man pumunta.


Umupo ako sa isang swing na naroon. Medyo malakas na rin ang ihip ng hangin kahit pa alas-dos pa lang ng hapon. Hindi naman masyadong tirik ang araw ngayon, maulap din kasi sa kalangitan. Buti na lang...

Asar kong pinihit ang swing ng napakalakas habang nakasakay ako. I want to let my stress out. Ilang pagkakataon ko pang sinubukang mag-muni muni doon.


I really don't know why Logan used to react like that. And I must say, I hate what he's been doing. Masyado siyang hands-on of becoming my bestfriend, kahit hindi ko naman hinihiling sa kanya. For me, what we have now is just better. 

Marami mang nagbago, but what can we do? Sometimes, it can't be like what you wanted to become, anymore. It's more of healing and just coping with the possibility of gaining anything back in any way better than the ruined. Ang importante, kahit papaano ay may nabalik.

Hmm? Pero siguro nga he's just trying to reach out. Five years din yun ehh. And I must admit, the move on thing that I did for myself, made me far away from him. Siguro, dahil sinanay ko na rin ang sarili ko na wala siya. And I can better myself up, even without him.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganoon nga.

Pero naaasar talaga ako. Dahilan yun para mapahina ang pagpapalipad ko doon sa swing.

Lalo pang nadagdagan yun nang maalala ko ang dress sana na bibilhin ko para kay Mama. Sabi ko pa namang babalikan ko yun. Pero dahil sa nangyari, wala na. Baka may nakabili na nun. Sayang!


Hindi pa man naaalis ang kunot ng noo ko nang may biglang nagsalita sa tabi ko. I looked at her direction. 

I saw the flashy smile of Ate Ruth. "Ilang linggo ka pa lang dito, problemadong problemado ka na."


Biglang nawala ang gumugulo sa isip ko nang makita ko siya. At the sound of her voice, I suddenly felt the sound of comfort zone. 


Pinatigil ko ang swing at agad na binitawan iyon. Tumayo ako at saka siya sinunggaban ng yakap.

"Ate Ruth!" Hindi ko man lang napansin na halos pasigaw ko nang nasabi ang pangalan niya. Nangingiti pa siya nang mabitiwan ko na siya sa pagkakayakap.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon