"Wake up, Angela. Baka gusto mo na akong I-tour ngayon sa Baguio?"
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Ian na sobrang lapit sa akin. As to my initial reaction, I try to push him aside. I hit his nose and when I got to realize that he's hurt, agad ko siyang nilapitan para tanungin kung ayos lang ba siya.
"Kapag itong ilong ko na-deform, I will never forgive you. Over my dead, sexy body."
I pout. "Parang ilong lang..."
"It's more than just a nose. Mahirap nang maibalik kapag naputulan ito ng ugat. You know how I hate surgeries."
"E bakit kasi ang lapit lapit mo? You could've just tap or pinch or poke me. Kailangan pa talagang ilapit ang mukha mo?"
Imbis na sagutin ako, ngumiti lang siya ng nakakaloko. "Well I guess, it's been a good idea." Hindi siya sa akin nakatingin. He stick his eyes outside, like he's watching a beautiful movie trailer. "Look at your Logan, I bet he's cursing me right now. Hindi na nga maalis ang tingin dito."
Tumingin ako sa tiningnan niya. And I caught Logan's eyes. His dark eyes. Nakakunot din ang noo niya, siguro dahil na rin sa tirik ng araw. Agad siyang umiwas ng tingin nang mahuli ko siya. He continued on cleaning up Ian's trunk.
Binalik ko ang tingin sa loob ng sasakyan. Staring with those eyes made me remember what had just happened hours ago. Nabalik na naman ang inis ko sa kanya.
"He's way too jealous, you know..."
Tiningnan ko ng masama si Ian. "He's not, and I'm not going to allow him to be jealous." He snickered a laugh. "Tara na nga, mag-ayos na tayo ng gamit, nang makapasyal ka na!"
Hinila ko na siya palabas. "Cook me something special para Lalo pa siyang magselos."
"Sshh! Shut up!"
Tumawa na lang ulet siya ng malakas.
He really enjoys teasing me, huh? Baka nakakalimutan niyang bagong gising lang ako, ayaw naman niya sigurong masungitan ko di ba?
Dahil tinatamad pa kaming magluto and most of us are still full, we consider eating only oats. But not with boys. Naghalungkat sila ng pwedeng iulam. They eat like we didn't let them eat during the whole trip.
"Palibhasa kasi nasa inyo ang mga pagkain"
"Exactly. Dahil kung wala sa amin, baka ubos na yung mga dala natin. For one week supplies din natin ito."
Hindi na sila umangal pa. Well, siguro kung puro babae lang kaming nandito ngayon, baka umabot pa ito ng dalawang linggo.
"Babe, try this..." Nagulat ako nang sinusubo ni Ian sa akin yung pagkaing ginawa niya. "Say ahh..."
"Ano yan?" kunot noo kong tanong sa kanya. It's just a segway to ask him what the h*ll is he doing.
"Sige na, hindi ka kumain kanina, you should eat more than just oats. At isa pa, this is my all time creation just now, di ba ikaw ang taste buddy ko? So, just one bite, please..." Kumindat pa siya sa akin. He's in all full smile while holding the spoon in the air, waiting to land on my mouth. Pero ang mata niya, tumuturo sa lalaking nasa harapan namin.
Should I trust Ian for this?
Unti-unti kong binuka ang bibig ko and his smile turn into a grin. Whatever this plan Ian! And I hate your new creation!
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Teen FictionNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?