"Angel, can you make some more sandwiches for me?" kanina pa paulit-ulit na utos sa akin ni Allison.
"Would you like a platter this time?" pabiro kong tanong sa kanya.
Kanina pa kasi siya sige ang pa-gawa sa akin ng sandwiches niya. Hindi ko alam kung gutom ba talaga siya or what? Kaunti na lang, paghihinalaan ko na talaga siyang buntis at pinaglilihian niya itong mga tinapay na ito.
"If it's not that much to ask, can you, please!?" nag-puppy eyes pa siya nang humarap sa akin.
Napailing na lang ako saka na tumuloy sa bandang kitchen ng kwarto at doon ginawa ang sandwiches niya.
Kumuha ako ng isang malaking plato pagkatapos gawin ang mga yun. Mahigit sampu na ang ginawa ko para naman matahimik na siya kung sakali. Tingnan lang natin kung hindi pa siya mabusog niyan o kahit maumay man lang.
Agad ko ring dinala yun sa kanya. Pagkalapag ko pa lamang ng plato, sinunggaban niya na agad ang isa. Halos mabulunan pa nga siya dahil halos dalawang kagat lang ang itinagal ng isang tinapay.
Hindi ko na siya pinuna pa ng mga salita. Agad na rin akong kumilos para asikasuhin yung kanina ko pa dapat ginawa. Sadyang naglambing lang 'tong si Ali kaya hindi ko ma-hindian.
Saka siya ulet nagsalita nang kasulukuyan niya nang nginunguya yung pangalawa niyang sandwich. "How can you do it?"
Nagtataka akong humarap sa kanya matapos kong mahanap ang mga papel na kailangan ko. "Do what?"
"These sandwiches..." sabay pakita niya at kagat doon sa sandwich niya.
Tiningnan ko ang tinuturo niyang mga tinapay. Lima na lang ang natitira doon sa malaking plato. Mukhang hindi pa ata ako nakakalabas ng kwarto, ubos na naman ang mga yun.
"I don't know, but you're the one responsible for its delicious taste."
Ngumiwi naman ako sa sinabi niya. "Stop teasing me, Ali... It's not gonna work anymore. Next time, you should be the one doing your own sandwiches. I'm not always here to make you more of those."
Inayos ko ang sarili ko bago pa man makalabas ng kwarto.
"Next time, I promise!" saka niya inilahad ang kaliwa niyang kamay. Napailing na lang ako saka napangiti.
"That doesn't sound like a promise."
"It does sounds like."
Yeah... Sounds like...
"Fine." Sumuko na ako. Nakita ko naman ang naging ngisi niya dahil doon. Kahit kailan talaga Ali!
Saka na rin ako nagbalak lumabas mula sa pintuan. "Gotta go for a while! I just have to pass these papers." pinakita ko sa kanya ang mga papel na kanina ko pa nahanap.
"Okay!"
Kumaway pa siya sa akin pagkasarado ko ng pintuan.
Si Allison ang pang-apat na nakatira sa kwarto namin. Naaalala ko pa noong unang araw ng pasukan, nang makita namin siya sa kwarto matapos ang kanya-kanya naming klaseng tatlo. Mukha siyang pagod na pagod.
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Novela JuvenilNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?