Chapter Twenty-Eight

27 0 0
                                    

Sabay-sabay kaming nagtanghalian. Sinulit namin iyong lunch na yon.


Hands-on kaming mga babae sa pagluluto ng mga putahe. Ang mga lalaki naman ang pinaglinis namin.

Aba, ngayong mababawasan na kami, kailangan muna nilang maglinis. It would be unfair if they'll leave the whole house, destroyed and messy, just on the four of us. At ito na rin ang kaparusahan nila sa sobrang pag-inom kagabi.


"Mga anong oras kayo aalis, Ate? Makakasama pa ba kayo mamaya sa pamamasyal?" Tanong ko habang hinihintay namin ang mga lalaki na dumalo na sa hapag-kainan.

Agad siyang umiling. "After lunch sana."


So it means, we really have to own this lunch moment all together, huh?

Mahabang kwentuhan ang nangyari. Marami ring tawanan, especially what happened last night. Panay rin ang kwento nila ng mga naranasan nilang katatakutan sa bahay na tinutuluyan namin.


Mga ewan lang! Hindi porket uuwi na sila at kami na lang ang maiiwan dito, magkekwento na agad sila ng ganyan. Pwede naman sigurong pagkabalik na lang namin ng Manila a.


"Akala ko nga si Angela yung nakatalikod kaya tinawag ko." Ako pa talaga yung ginawang character, hays! "Kaso hindi siya lumingon kaya lumapit ako sa kanya. Pero nang malapit na ako, tinawag naman ako bigla ni Nat kaya napalingon ako sandali para sabihin kung nasaan ako. Na nakita ko na nga si Angela kaya tatawagin ko lang kaso ang sabi ni Nat, nandoon na daw siya sa baba, kumakain na kaya sino ba daw ang hinahanap ko." Sandali siyang tumuon ng pansin sa akin. "Narinig ko pa nga ang boses mo no'n na sumigaw ka sa'king nandon ka na sa baba e." Saka siya bumalik ng kwento sa grupo. "Nag-alangan ako ng tingin ulet pero ginawa ko pa rin, tapos wala na yung babae doon."

"Halata ngang para kang nakakita ng multo no'n e" Tawa ni Ate Nat

"Naku Angela, baka mamaya may doppelganger ka! Mag-ingat ka!" Pananakot pa sa akin ni Matthew.

Kumunot na lang ako ng noo. Pilit na binalewala ang sinabi ni Matthew.


Maybe, I got used to these stories then, especially noong nasa Harvard pa ako. But I swear, these horror stories are freaking me out!


Pagkatapos ng tanghalian, gumayak na rin sila ng pag-alis. Hinayaan na namin silang bitbitin ang ibang mga dalahin namin para kaunti na lang ang dadalhin namin kapag kami naman ang lumuwas na.


"Matthew, daan tayo ng Baguio Market!" Sigaw ni Ate Nat

Nangamot ng ulo si Matt.


Doon na lang din daw sila bibili ng fresh strawberries. Sayang hindi nila mararanasan ang pagpitas ng mga strawberries dahil nakatakda ang pagbisita namin sa Strawberry Farm bago kami, supposedly, lahat uuwi. And since, kami na lang apat ang matitira, hindi na sila makakapunta.


"Take more pictures a" Naka-pout na bilin sa akin ni Ate Nat saka ako niyakap.

"Ilan ba ang gusto mo?" Tawa ko

"As many as possible. I'm kind of thinking to make a Baguio diary doon sa blog ko. I'll post our pictures there"


BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon