Matapos ang ilang minutong pagkakatulala, nagawa ko ring maagaw sa kanya ang notebook na iyon. Agad kong itinago sa likod ko na para bang kahit sa cover pa lang ay meron na siyang malalaman.
Tumingin ako sa kanya. "N-nabasa mo?"
"Hindi lahat" Diretsahan niya namang sagot
Tumango lang ako.
Hindi ko alam kung anong parte ang nabasa niya pero sikreto ang lahat ng nakalagay dito. Na kahit pa sabihing wala naman siyang nabasa, pakiramdam ko, nabuwag pa rin lahat ng pinakatago-tago ko.
Lumayo ako ng tingin sa kanya. Nagsimula na rin akong umakyat sa kwarto. I'm not sure how will I still act if I stay with him for more hours. He just uncover some of my secrets.
"Kung anuman 'yong nabasa mo, wala lang yun. Matutulog na rin ako, pakisara na lang ng pintuan at gate kapag lumabas ka na. Good night, Logan." Tahip tahip ang kaba sa akin habang sinasabi iyon.
"Angela..."
Napapikit ako nang marinig ang tawag niya. Lumingon din ako matapos ang ilang segundo. Ngumiti ako sa kanya na para bang inaasahan kong 'Good night' lang din ang sasabihin niya.
Actually, for this scenario, I'm more expecting it's the only thing he'll say.
Pagod ang mga mata niya nang nakita ko. Hindi siya nagsasalita at dahil doon ay napawi ang ngiti ko. Tila ba sa reaksyong iyon ay alam ko nang iba ang gusto niyang sabihin kaysa sa inaasahan ko.
Nagpakawala siya ng hininga at saka yumuko.
Nang akala ko ay doon na lang matatapos iyon, na katulad nitong mga nakaraang araw ay tatapusin niya na lang bigla ang usapan... iba pa rin ang nangyari.
"Totoong hindi lahat nabasa ko..." Ilang sandali lang ay idinirekta niya na rin ang mga mata sa akin. "Hindi pa."
Nangunot ang noo ko.
Paanong hindi pa?
Ano, may plano pa siyang basahin ulit yo'n, ipagpatuloy pa? Na kung sakali bang hindi ko iyon nakita na binabasa niya, hindi niya titigilan?
Ganoon ba siya walang magawa para pakialaman na lang ang gamit ng iba? After all, when he saw the first lines of that certain page he picked, he must've backed off already!
Bigla ko na lamang naramdaman ang galit na bumalot sa sistema ko.
Hindi niya ba alam kung gaano ka-importante ang sikreto? Wala ba siya no'n? Kung sakali kayang siya ang nasa kalagayan ko ngayon, ano kayang mararamdaman niya?
Diretso pa rin siyang nakatingin sa akin na animo'y wala siyang kahihiyang nararamdaman. Right, it's me who should feel shameful, anyway. Ako itong nabuwagan ng mga tore ng sikreto!
"Nabasa ko halos lahat, simula umpisa. Wala akong pinalampas kahit isang pahina."
And he really got the guts to say that to me?
"Lahat nang sinasabi mo kay Tito simula nang mawala siya hanggang doon sa mga sinulat mo nitong mga nagdaang araw , bawat letra, lahat iyon nabasa ko. Lahat iyon nakatatak sa isip ko."
Nararamdaman ko na ang rahas ng paghinga ko.
Ano, porket ba pinagkatiwalaan siya ni Papa, pati ang notebook na binigay ni Papa sa akin, may karapatan din siyang galawin?!
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Teen FictionNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?