Nang matapos ako, tinulungan ko na muna si Mama na magluto. Tawanan lang din ang mga ginawa namin habang naghihimay at naghihiwa ako ng mga gulay habang siya, inuumpisahan na ang pagluluto.
Sandali iyong natigil nang dumating si luga kasama yung mga pinabili ni Mama.
"Ang saya natin ahh!" Puna niya sa akin at saka inupuan ang katabing upuan ko. Inagaw niya sa akin ang sitaw na hinihimay ko at siya ang gumawa no'n. "Kitang-kita ang gilagid mo kahit nasa labas pa lang ako."
Hindi ko na pinatulan pa ang pang-asar niyang iyon. Imbes ay binalikan ko ang ginagawa. "Syempre masaya ako, ikaw ba, hindi?" Panghahamon ko pa.
Sandaling natahimik. Sa tingin ko, yun ay dahil sa nagulat siya sa naisagot ko.
Nang akala ko wala na siyang pampatol doon, nagkakamali pala ako. "Masaya din... kasi masaya ka"
Napalingon ako sa kanya. Nakakunot pa ang noo ko no'n habang relaxed lang ang bawat feature ng mukha niya.
Nagtama ang mga tingin namin. Ilang segundo iyon bago natapos. Ako ang unang umiwas nang may bigla akong naramdaman na kakaiba.
Ano yo'n?
"O Logan, dito ka na rin mag-tanghalian. Parating na siguro sila Ian, sumabay ka na. Marami rin naman akong niluto."
Mukhang hindi naman napansin ni Mama ang nangyaring ilangan sa aming dalawa. Inilalapag niya na sa mesa ang Adobo'ng niluto niya.
Hinayaan ko na ang mga gulay sa kamay ni Logan. Dumiretso ako ng kusina at iniwanan silang dalawa sa table para makapagtimpla na rin ng Buko Pandan.
Pinabayaan ko na muna silang mag-usap. Isa pa, gusto kong huminga muna. At magagawa ko lang yo'n kapag lumayo ako pansamantala.
"Hindi na po Tita, gusto rin ni Mommy na kumpleto kami sa hapag-kainan ngayon."
Nagpatuloy sila sa pinag-uusapan.
"Ganoon ba? Edi magdala ka na lang ng ulam. Ipagbabalot kita. Paborito pa naman ito ni Marie."
"Sige po"
Binalewala ko na ang mga sumunod nilang pinag-usapan. Nag-focus na lang ako sa ginagawa ko. Ang huli kong naaninaw sa usapan nila ay ang palitan ng 'Thank you' at 'Bye!'
Nang masigurado ko na ang pag-alis ni luga, doon na rin ako lumabas mula sa kusina. Inilagay ko ang Buko Pandan sa loob ng refrigerator.
"Nasa byahe na sila?" Tanong agad ni Mama na inaayos na ang mga gulay na nahiwa na. Ako naman, pinagtuunan ko ng pansin ang mga kalat sa lamesa.
Sakto namang pagkatanong sa akin ni Mama ay ang mensahe galing kay Ian.
From: Ian
We're on our way. And guess what, looks like, you can't behead me :P
Napailing ako sa text niyang iyon.
Did he really think I'll cut his head? If it's his hair, then I'm willingly gonna do that.
But knowing Ian, he better had his head cut than his hair. Ewan ko ba sa taong iyon...
BINABASA MO ANG
BEST-Friend-Zoned (Book 2)
Teen FictionNagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit naman sila ng kalagayan ngayon?