Chapter Forty-One

28 0 0
                                    

Nagtitigan kaming dalawa. Kung siya masayang-masaya akong pinagmamasdan, ako naman, halos lumukot na ang mukha sa sobrang asar ko sa kanya.

"Ready?"

Kanina niya pa hawak ang piso. Tails ang pinili ko at sa kanya naman ang head.

"Just do it!"

Ngumisi naman siya. "Excited ka naman masyado. Excited matalo..."

Bulong lang iyong huli pero rinig na rinig ko.


Ang yabang lang ahh, lagot ka talaga sa akin kapag ako ang nanalo sa larong ito!


Itinapon niya na sa ere ang barya. Pumektus pa ito.

"Heads!" Malakas niyang anunsyo pagkalapag no'n.

Sinimulan niya nang i-dribble ang bola. Ako naman, todong harang ang ginagawa sa kanya. Seryoso din akong naglalaro habang siya tinatawanan lang ako. Full of confidence lang? Tss!

"Bakit ba ang seryoso mo, game lang naman ito. Para ka namang mamamatay kapag natalo ka..."

"Shh!" Inis kong sabi. "Magseryoso ka nga. At bakit naman kita hahayaang manalo, edi parang kinunsinte ko lang ang pagmamayabang mo."

"Bakit hindi ba kinukunsinte mo na ako?"


Bwisit! Bakit ba salita siya ng salita diyan? Kung totoong laro ito, dapat kanina pa siya naubusan ng oras sa bola. Hello, 24-second rule, naturingan siyang basketball player pero hindi niya alam iyon?


"10... 9..." Nagbilang na ako. Hindi ko alam kung tama ba ang pag-uumpisa ko.

Tumawa siya lalo. "Seryoso nga..." Saka niya ako nilagpasan at sinalubong ang ring. Nag lay-up siya at natural pasok na naman ang bola.

Ngumiti siya sa akin nang makabawi na sa ginawang pag-shoot. "1-0" 

Inirapan ko na lang siya at kinuha sa kanya ang bola.

Pinagtiyagaan ko rin ang pag-dribble no'n pero nang nakita ko siyang lumalapit na sa akin at gusto na akong harangan, saka ko na lang iyon itinago sa likod ng mga braso ko. Niyakap ko yun habang umiiwas sa kanya.

"Travelling yan!"

Hindi ko siya pinansin at sinubukan ko na lang i-shoot ang bola sa ring. Pumasok naman kaya nginitian ko rin siya pagkatapos. "All 1"

Pinagmasdan niya ako mula sa iniwanan ko sa kanya kanina. Umiling-iling pa siya. "Binibilangan mo ako kanina pero ngayon, nag-travelling ka naman. Ano ako lang ang susunod sa batas ng basketball?"

"Drinibble ko parin naman ahh! Nang lumapit ka sa akin, papunta na rin ako no'n sa ring kaya malamang na hahawakan kong mabuti ang bola para hindi malaglag kapag shinoot ko."

"O kung di naman kaya ay ayaw mong maagawan. Nakapuntos ka nga, madaya naman."

Sumimangot na ako ng tuluyan. "E di fine, we'll follow the rules."

"Mabuti na ang malinaw. Back to 1-0..."


Pinabayaan ko na lang siya sa gusto niya. Nakakaasar! Di bale babawi na lang ako!


Lumipas na ang isang oras ng paglalaro namin.

Na kay Logan ang bola kaya pagbabantay lang halos ang kaya kong gawin. Hindi ko iyon makuha sa kanya dahil na rin sa bilis ng kamay nito. 

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon